TH Chapter 44

11.6K 309 24
                                    

Nagulat silang apat sa sinabi ni Atty Ric.

Hindi nila akalain na may ganoong koneksyon ang pamilya ni Mary Dale at Edward.

Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan si Maymay sa sinabi ng atty tito nya.

Naalala nya ang usapan nila kanina sa opisina nya.

"Posible kaya?" ang tanong sa isip nya.

Si Edward naman ay lihim na natuwa sa sinabi ni Atty Ric.

"Pwede kaya?" ang tanong nya sa isip.

"Kaya Edward at Marco dumito na kayo! Aalis na ako at may asikasuhin pa ako!"

Bumaling naman ito kay Nanay Remedios.

"Nay, ikaw na bahala sa dalawang ito!"

"Wag kang mag-alala Ricardo! Ako ng bahala sa kanila!"

"Salamat Nay!" at umalis na nga ito.

"Maiwan ko muna kayo mga anak at ipapaayos ko ang kuwartong tutuluyan ni Marco at Edward."

"Thank you Nay Medi! Da best ka talaga!" sabay kindat pa ni Marco dito.

"Salamat po Manang Remedios!" si Edward na nahihiya pa rin sa nangyayari.

"Wag mo na akong tawaging Manang! Nanay Remedios na lang tutal naman kaibigan ka ng mga alaga ko!"

"Salamat po Nanay Remedios!" at ngumiti ito sa matanda.

"O sya sige na maiwan ko na kayo!" at umalis na nga ito at tumungo sa mga kwarto.

Natulala naman si Maymay sa nakangiting si Edward.

Napatingin sa kanya ang binata at ngumiti din sa kanya.

Bigla naman syang nag-iwas ng tingin dito.

"What's wrong with you Mary Dale? Ngumiti lang natulala ka na naman!" ang pagalit nya sa sarili.

Ramdam nya ang pag-init ng pisngi nya sa pagngiti ng binata sa kanya.

Habang kumakain ay papalit-palit ang tingin ni Juls at Marco sa kanilang dalawa.

Nilakasan na ni Maymay ang loob nya.

Hindi na nya kaya ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Edward.

"By the way Edward, you still haven't told us the reason why you're here! Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito sa probinsya namin?" ang pagtataray na naman nito sa binata.

Binalewala lang ni Edward ang pagtataray nya.

Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis na hindi mawari ni Maymay kung nang-iinis.

"I'm here to court you Miss Mary Dale Entrata!"

"What?!?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon