TH Chapter 36

11.6K 287 7
                                    

Kinabukasan...

Masayang naghahanda si Edward ng almusal.

Sigurado syang may hang over si Marco kaya ipinaghanda nya ito ng fresh orange juice.

Pasipol-sipol pa sya habang nagluluto ng dinatnan sya ni Marco sa kusina.

Napangiti naman si Marco sa nakita kahit na masakit ang ulo nya dahil sa alak.

"Mukhang maganda ang gising ng best friend ko ah!"

"Sit down! I prepared a fresh orange juice for your hang over."

"Naks! Ang sweet naman talaga ng best friend ko!" ang panunukso pa rin nito kay Edward.

Ngumiti lang si Edward sa kanya.

Kumain na sila ng almusal.

"So...." ang basag ni Marco sa katahimikan.

"So?"

"Hindi mo sinagot yung tanong ko sayo kagabi."

"Paano mo pa maririnig ang sagot ko eh nakatulog ka na!"

"Paano naman hindi ako makakatulog eh ang tagal mong sumagot!"

"But seriously bro, what are you going to do about Maymay?"

Humugot ng malalim na hininga si Edward bago sumagot.

"I've decided already and...."

Ngumiti si Edward.

"and what? What have you decided?"

"I've decided to pursue her!" sabay ngiti nito.

"Pursue her as who?"

"What do you mean as who?"

"Baka nakakalimutan mong kilala ka nya as Dodong and not as Edward! So, I'm asking you again, you will pursue Maymay as Dodong or as Edward?"

"As Edward of course!"

"And you think she'll accept you as Edward?"

"Why wouldn't she? In case you didn't notice, I'm quite a catch!" sabay ngisi pa nito kay Marco.

"At sa tingin mo masisilaw sya sa kayamanan mo ganun ba?"

"It's not like that! I just want her to know the real me! Me as Edward John Barber and not Dodong the driver."

"Handa ka na ba talagang magpakilala kay Maymay bilang ikaw?"

"Wait a minute, why do I feel like you are against my idea?"

Napailing si Marco.

"Hindi sa ganun bro! Gusto ko lang na sigurado ka sa gagawin mo dahil ayokong masaktan si Maymay. Dahil pag nagkataon ako ang makakaaway mo!"

"You really are that protective of her, I wonder why?"

"Kapag nakilala mo ng lubusan si Maymay maiintindihan mo kung bakit ganun na lang ang kagustuhan kong protektahan sya."

"Don't worry, I have no intention of harming her!"

"Siguraduhin mo lang bro!"

"Sigurado na ako! Kaya naman mamaya ay sasamahan mo ako sa mansyon ng Tita Melba mo para dalawin si Maymay."

"Sige ba! Para makapagsorry ka na rin kay Maymay sa kung anuman ang ginawa mo at sinabi mo sa kanya sa Tagaytay."

Natigilan naman si Edward sa sinabi ni Marco.

"Ano ba kasing nangyari?"

"Ah kasi medyo hindi maganda yung nasabi ko tungkol sa relasyon nyong dalawa."

"Relasyon namin?"

"Oo na oo na! Nagkamali ako kaya magsosorry din talaga ako sa mga sinabi ko!"

"Hay naku bro! Ayusin mo ang dapat mong ayusin mamaya kung ayaw mong kalimutan kong magkaibigan tayo!"

"Don't worry I'll fix it!"

"Uuwi muna ako para makapagbihis. Dun na lang tayo magkita sa mansyon tutal naman magdadala ka na rin ng kotse mo."

"Sige bro!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon