TH Chapter 69

8.2K 259 19
                                    

Yumakap ang binata sa kanya ng mahigpit.

"I love you Yamyam! And don't worry, kahit tayo na, I will still court you everyday!"

Napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng binata.

"Namimiss na kita ngayon pa lang!" at yumakap pa ulit ng mahigpit ang binata.

Hinayaan na lang ni Maymay ang binata dahil aminado syang mamimiss nya rin ito.

"Yan! Ayan tayo eh! Nagmamadali daw pero panay ang yakapan!" ang pang-aasar ni Marco.

Kumalas naman na si Dodong sa pagkakayakap kay Maymay.

Humalik sya sa noo ng dalaga.

"Pagkatamis-tamis!" si Marco na napapailing na lang sa ginagawa ng kaibigan.

"I'll call you as soon as I get home!"

"Okay!"

Hinatid na sila ni Maymay sa sasakyan.

"Ingat sa pagdadrive Marco Antonio!"

"Oo na Mary Dale!"

"Bye Yamyam!"

Kaway ng binata sa kanya.

"Bye!" at kumaway din sya sa paalis na sasakyan.

Nakalingon si Dodong sa dalaga hanggang sa hindi na nya ito makita.

Napabuntung-hininga pa sya bago dumiretso ng upo.

"So..." ang panimula ni Marco.

"Kayo na nga?" ang pagkumpirma nito sa kaibigan.

Tumango lang si Edward.

Pilit nyang pinipigilan ang ngiti sa labi nya.

Hindi kasi nya maiwasang mapangiti sa tuwing maalala nya ang nangyari kagabi.

"Bakit napipi ka na ata dyan bro?" pang-aasar na naman ni Marco kay Edward.

"I'm just happy bro!" at tuluyan ng sumilay ang ngiti sa labi nya.

"Masaya ako para sa'yo!"

"But...why do I sense that you want to say something?"

"May ipapaalala lang ako sa'yo..."

"What?"

"Ano nang plano mo sa inuutos ng lolo mo?"

Hindi agad sumagot si Edward.

Tumikhim muna sya.

"That's actually the reason why I'm going home!"

"What do you mean?"

"I'm going to make sure that Maymay will be my wife!"

Nagulat naman si Marco sa sinabi ng kaibigan.

"Alam ba ni Maymay yang plano mo?"

"Nope!"

"Pero may balak kang sabihin sa kanya?"

"Of course! After I talk to Lolo Edison, I will propose to her!"

"Woah! Propose?!? Sa tingin mo papayag sya?"

"Why do you look so surprised? Eh di ba yun naman talaga ang hinahanap ko! I made it clear to you from the very start that I'm looking for a wife!"

"Alam ko! Pero hindi ko naman kasi akalain na si Dale ang mapipili mo!"

"Why not her?"

Napabuntung-hininga si Marco.

"Edward, mahal mo ba talaga si Mary Dale o gagamitin mo lang sya para makuha mo ang mana mo?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon