TH Chapter 79

7.7K 262 16
                                    

Hindi makapaniwala si Maymay sa mga ikinuwento ni Nanay Remedios sa kanila.

Parang sasabog ang utak nya sa mga rebelasyon nito.

Napahawak sya sa sentido nya at napapikit.

"Okay ka lang ba anak?"

Nagmulat ng mata si Maymay.

Nakita nya ang pag-aalala sa mata ng kanyang Nanay Remedios.

"Okay lang ako Nay! Baka gutom lang ito!" at ngumiti pa sya para makumbinse ito.

"Speaking of gutom, ako rin Nay gutom na rin ako!" singit ni Juliana.

"Mabuti pa ngang kumain na muna kayo bago ko ituloy ang kwento ko!" at tumayo na sya para ipahanda ang pagkain.

"OMG! Hindi pa pala tapos ang love story ng batang si Maymay at Dodong!" pang-aasar na naman ni Juliana kay Maymay.

Tahimik lang si Maymay.

"But seriously, Dale, sino'ng mag-aakala na may ganun kayong connection ni Edward? You didn't even know of each other's existence before we came to Manila!"

Napakibit-balikat si Maymay.

Hindi pa rin kasi talaga pumapasok sa utak nya lahat ng narinig mula kay Nanay Remedios.

Bigla nyang naisipan na tawagan si Dodong.

"Hello, Yamyam?"

"Hello, Dodong?"

"Why did you call? Is there something wrong?"

"Wala naman! I... I just wanted to hear your voice."

The sound of his voice seemed to calm her heart.

"You miss me!" halata ang saya sa boses ng binata.

Napangiti na rin si Maymay.

"Kumain ka na muna May para makainom ka ng gamot." si Nanay Remedios.

Narinig naman yun ni Edward.

"Why is Nanay telling you to drink medicine? What's wrong Yamyam?" nag-alala si Edward bigla.

"Wala yun! Medyo sumakit lang ang ulo ko dahil sa gutom! Sige na kakain na muna ako! Ikaw rin wag kang magpapagutom!"

"Oh okay! Take care of yourself Yamyam! I can't wait to see you again! I love you!"

Napangiti muli si Maymay.

"I love you! Bye Dodong!"

"Bye Yamyam!"

Kumain na muna sila Maymay.

"Was that Mary Dale?" tanong ng lolo ni Edward.

Ngumiti si Edward at tumango.

"What did you call her?"

Nahiya naman bigla si Edward.

Nakikinig pala ang lolo nya sa usapan nila.

"Yamyam?"

"Yamyam..." napangiti ang lolo nya.

Nagtaka naman si Edward.

"Why?"

"I guess there really are things that the heart doesn't forget!"

"What do you mean lolo?"

"That's what you used to call her when you were young!"

Hindi sya nakapagsalita sa sinabi ng lolo nya.

Calling her Yamyam just felt so right for him.

Kaya pala.

"No matter how much your mom corrected you, you kept calling her Yamyam!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon