Chapter 1

61.2K 1K 289
                                    

Chapter 1: New life

Kakapasok ko pa lang pero para nang binagyo ang itsura ko. Paano ba naman, nananahimik lang akong nakaupo sa cafeteria at kumakain tapos bubuhasan ako ng juice? Napilitan tuloy ako lumaban. Napairap ako. Sayang tuloy itong crinkles at chuckie ko. Akala ko pa naman ma-e-enjoy ko ang umaga ko dahil wala ang first subject namin pero hindi, mga pesteng 'to.


"Yari ka sa akin!" sigaw ni Allan, isa sa mga nakaaway ko.


Tiningnan ko lang siya. Nakahiga sila ng mga kaibigan niya sa sahig dahil sa ginawa ko. Tinawanan ko sila dahil hawak nila ang ibabang parte nila. Sinipa ba naman si Benjie, e. Natawa ulit ako.


Tiningnan ko silang tatlo bago ngumisi. Kawawa naman magiging anak nila o baka nga hindi sila magkaroon ng anak. Baka mabaog... sana.


Sori mga sperm!


Hindi ko sila pinansin. Pinagpagan ko ang sarili ko bago ayusin ang buhok kong magulo. Muntik ko nang mapagkamalan na walis tingting dahil sa sobrang tigas! Nagsusuklay naman ako at with conditioner pa ako every day, ano!


Napatingin ako sa paligid. Ang daming nanonood sa amin at 'yong iba ay nagpupustahan pa kung sino ang mananalo. At syempre, ako ang nanalo, ano, kaya sobrang saya ng pumusta sa akin kasi nanalo ako. Palagi rin naman ganito ang eksena dito.


"Hoy talo ka!"


"Teka lang naman, baka pwede pa 'yan!"


"Tanga, nabayagan kaya 'yan, baka nga nabaog pa 'yan." Narinig ko ang tawanan nilang lahat.


Sumama naman ang mukha ni Allan.


Inayos ko ang sarili ko sabay harap sa sa kanila. "Masakit ba?" tanong ko, nang-aasar.


Dumaan ang galit sa mata niya, akma siyang tatayo pero sumakit ang gitna niya. "Bubugbugin kitang babae ka kapag nawala ang sakit nito," banta niya.


'Yong kamias niya siguro ang tinutukoy niya. Inirapan ko siya sabay kuha sa bag ko. Lakas manakot siya naman itong bagsak. Partida babae lang ako pero natalo ko 'yong limang gago na 'yon?


Isang Miranda ba naman kantiin.


Pinakyuhan ko siya bago lumabas ng cafeteria pero napatigil at kusang bumaba ang daliri ko dahil masamang tingin ng Guidance Counselor ang sumalubong sa akin. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.


Sana naman hindi siya atakihin sa puso, mukha pa naman siyang babagsak sa isang kabaong na naghihintay mahigaan. Syempre, biro lang!


"In Guidance Office now!" Napatakip ako sa tainga ko nang sumigaw siya sa mismong harapan ko.


Bad breath. Sana nag toothbrush muna siya bago sumigaw. Grabehan 'yong amoy, 'di ko kinakaya.


The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now