Chapter 28

23.7K 662 76
                                    

Chapter 28: Mas Masaya

Tanghali na ako nagising dahil sa text messages na natanggap ko. Sinubukan kong mag-reply kaso hindi nag-send doon sa number. At ang pakiramdam ko ay binlock niya ang number ko dahil noong tinawagan ko siya hindi man lang nag-ring, putol agad.

Sayang lang ang load ko!

Sinubukan kong i-text si Kuya kung may number siya ni Darius kaso ang dami niyang sinend, e. Umabot yata ng twenty-one na number ang pinagsesend niya. Hindi ko alam kung ano doon ang tatawagan ko kaya ini-isa-isa ko kahit ang hirap, piste. Umabot yata ako ng ilang oras.

Gusto ko lang naman na mag-thank you sa kaniya, tutal siya naman pala ang nagbigay. Maarte, dati pa naman niya ako binibigyan at lagi akong nagsasabi ng thank you kaniya.

Kahit nga kakain ako; Thank you, Darius.

Matutulog ako; Thank you, Darius.

'Di ba mukhang tanga? At masama ba siyang tawagan? Para sagutin lang hindi pa magawa. Nalaman din ni Papa at Kuya ang tungkol doon, hindi pa nga makapaniwala si Kuya, e. Like si Darius magbibigay ng ganito? Hindi naman ma-effort ang lalaking 'yon, e.

"He seriously did that?" Hindi pa makapaniwala si Kuya.

Tumango ako. "Oo, ang akala ko ba ayaw niya sa akin at galit siya?"

"Maybe he realize something, Lin."

Siguro nga ay ganoon talaga. Umakyat na ako sa kwarto para doon nalang magpalipas ng oras.

Kakatapos ko lang maligo dahil ang sabi ni Kuya at Papa may pupuntahan raw kami. Hindi ko alam kung may iba pa kaming kasama dahil panay ang tawag niya sa cellphone. Gusto kong tumanggi dahil baka puntahan na naman ako ni Phoenix kaso sinabihan pala ni Papa ang lalaking 'yon

Na curious nga ako, e. Kilalang-kilala ba ni Papa ang mga 'yon? Especially, Phoenix and Kuya dahil parang kilala nila ang isa't-isa kapag nagkikita. Hindi ko tuloy maiwasan tanungin ang sarili ko kahit wala naman akong sagot na makukuha.

Kanina pa rin ako nabuburyo rito. Miss ko nang pumasok kahit wala naman akong natutunan kung hindi ang makipag-daldalan kina Harvey. Panay ang chismisan naming apat nila Dash, Arvin, Harvey, at ako.

At dahil nga wala akong magawa nag-picture na lang ako ngayon nang na naka-mirror shot. Nauubusan na kasi ako ng gagawin, sinubukan kong gayahin 'yong iba?

Nagsuot ako dovecity satin silk sling dress. Pinost ko sa twitter ko, wala lang pang-pagana sa mga taong nagka-crush sa akin.

May caption pa 'yon na 'xxtra hot' with matching emoji. Nagsalubong kaagad ang kilay ko nang makita ang tweet ni Finn sa post ko.

FinnMarq @finn_marquez
Haha, Darlene! Kailan ka pa naging pancit canton? HAHAHAHA. Extra hot... HAHAHAHAHHA.

Napamura na lang ako. Nag-reply ako sa tweet niya.

Darlene Michelle @darling_
Panira kang letche ka! Ampucha, ganda na nga tapos ganyan?! Pancit canton amp.

Pati tuloy ang mga kapwa niya ugok nakigaya na. Inis akong nag-alis ng dress para mabalik ang suot kong damit kanina. May nag-dm sa akin sa twitter, picture ko 'yon at sunod ay ang message.

nix_: ganda

nix_: damn, hot and sexy

Napasinghap ako. Bakit ang lakas ng dating ng compliment ni Phoenix sa akin? Palagi niya akong sinasabihan na ang ganda ko raw.

"Miss Darlene, kumain na daw pa kayo ng tanghalian sa bababa kasama ng papa niyo," narinig kong katok sa labas ng kwarto ko.

"Sige," sagot ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ