Chapter 3

40.3K 975 312
                                    

Chapter 3: First Day

Tamad na tamad ako nang bumungad ang kinabukasan. Hindi sana ako babangon kaso binuhusan ako ng malamig na tubig ni Kuya kaya wala akong nagawa kung hindi ang maligo at mag-handa pumasok. Bukod sa pananakit niya ay hobby niya rin ang buhusan ako ng tubig tuwing umaga.

Kung pwede lang na hindi pumasok, ginawa ko na kaso binantaan akong hihilahin daw ni Kuya ang patilya ko! Ayoko no'n, masakit. Okay sana kung sa bawat hila niya bibigyan niya ako ng pera kaso hindi, sakit at pamumula lang ang nakukuha ko.

"Huwag ko lang talaga malalaman na gumawa ka ng gulo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," banta ni Kuya kaya napairap na lang ako nang wala sa oras.

"Oo na po, kapatid. Ay, nga pala mahal na kapatid, nasaan na po ang aking—"

"Stop that," putol niya sa akin. "Mukha kang tanga."

Ouch, tanga agad?

"Kuya, grabe ka talaga sa akin. Minsan talaga napapaisip na lang akong ampon ka, e. Alam mo 'yon? Hindi mo ako mahal, Kuya, kasi ampon ka. 'Di ba 'yong mga ampon—"

"Mukha ba akong ampon? I'm not an adopted child," putol na naman niya sa akin.

"Sa bagay... magka-ugali kayo ni Papa. Pareho kayong dragon," nag-iba ang expression niya. "Joke lang! Kuya, lab-lab kaya kita! Bye!" Sabi ko bago dumiretso sa bathroom.

Lumabas na siya sa kwarto ko kaya wala ng maingay. Naligo na ako para mabilis matapos. May uniform na ako kaso hindi ko bet. Ang init kasi nito sa katawan, may blazer na black at may necktie pa. Iyong blouse hanggang palapulsuhan ko at iyong palda naman hanggang taas ng tuhod ko. Inayos ko ang kwelyo ng uniform ko bago humarap sa salamin.

Tinali ko nang half pony ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang bangs ko. Ang ganda ko. Tumitig ako lalo sa salamin pero tumigil na rin ako dahil baka ma-inlove ako sa sarili ko, mahirap na.

Bumaba na ako pagkatapos. Dala-dala ko na rin ang bag ko. Nasa dining na sila Papa at hinihintay ako.

Panay ang irap ko kay Kuya at gano'n rin naman siya sa akin. Nakakainis 'tong si Kuya, lakas ng galit sa akin. Tipong nakatingin lang ako, e, salubong na agad ang kilay. Pinaglihi yata sa sama ng loob ang Kuya ko. Pero mabait si Kuya. Ayaw niya lang talaga ng mga trip ko. At kahit hindi kami magkapatid na buo, mahal niya ako. Kapatid ko si Kuya dahil kay Papa. Iba ang Mama niya, si Tita Claudette ang unang asawa ni Papa.

"Tandaan mo, ipapadala kita sa America kapag nasangkot ang pangalan mo," banta naman ni Papa.

Nanlaki ang mata ko. Ano? No way! Ayokong makasama si oldie kokontrolin no'n ang buhay ko. Akala mo naman ay siya ang may ari ng buhay ko. Palit na lang kami siya na lang teenager at ako nalang tatayo bilang matanda.

"Ayaw mo naman sigurong makasama ang Lolo mo, 'di ba?" Sambit ni Papa.

Opo, Lolo ko ang tinatawag kong oldie. Kasi naman wala siyang ibang ginawa kung hindi ang kontrahin ang desisyon ko. Akala mo naman siya ang batas. Palibhasa siya ang nakakatanda kaya parati siya ang nasusunod.

Isama mo pa 'yong paboritong apo niya na walang ibang ginawa kundi ang isumbong ako. Sipsip. Kaasar.

Napilitan akong tumango.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now