Chapter 74

21K 485 100
                                    

Chapter 74: Bonding

Kanina pa ako gising pero hindi ako nagmumulat ng mata. Pinapakinggan ko ang mga pinagsasabi nilang lahat, ramdam ko din ang galit ni Darius tuwing nagsasalita. Si Kuya ay nandito na. Galit na galit rin ang boses niya tuwing nagsasalita.

"It almost happened, Kuya," dinig kong sinabi ni Darius.

Akala ko talaga mangyayari na 'yon. Halos magdasal sa lahat ng santo. Todo salamat din ako sa narinig ko grabe. Kung hindi dahil doon baka... sa harap mismo ni Phoenix... na dungisan ang katawan ko.

Aaminin ko, natatakot ako hanggang ngayon. Minsan na 'yong nangyari... hindi malinaw pero alam ko minsan na 'yong nangyari sa akin noong na dakip ako.

Ang akala ko nga magagalit siya kay Phoenix noong naririnig kong nag-uusap sila. Naririnig kong magsasampa ng file si Kuya para kay Jude, hindi ko alam kung anong klaseng file 'yon. May hakawak sa magkabilang kamay ko at ang nasa kanan ko ay maliit na kamay.

"Daddy, when Tita Darlene will wake up?" Napatigil ako nang marinig ang boses na 'yon.

Kay Amir 'yon, ah! Daddy? Si Kuya ang Daddy niya!

"Daddy?" dinig kong sabay-sabay na tanong ng mga gunggong.

"Kuya's son, Amir Miranda," sabi ni Darius.

Alam na ni Amir na si Kuya ang Daddy niya!

"What?!"

"Bakit ba gulat kayo na may anak ako?" Halata sa boses ni Kuya ang inis.

Sana hindi namana ni Amir ang pagiging ganito ni Kuya.

"Hindi naman sa gano'n, Drake," dinig kong sabi ni Trevor.

"Wake up na, Tita..."

Nagmulat ako ng mata. Dumiretso ang mata ko kay Amir. Tumingin din siya sa akin bago napangiti. Nilahad ko ang kamay kay Phoenix na nasa tabi ko para tulungan akong makaupo. Hindi ko binitiwan ang kamay niya.

"Are you okay now?" malambing ang boses niya.

Tumango ako bago mag-angat ng tingin kay Kuya.

"You almost..." Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil nagsalita si Amir.

"Tita Darlene!" Niyakap ako ni Amir, inupo ko siya sa harap ko. "You're my Tita pala... sayang." Tumingin siya sa akin.

Maputi pala talaga si Amir, kamukha niya rin talaga si Kuya. Namumula din ang pisngi niya at may pagkakulot ang buhok ng bata. Tumingin kaming lahat kay Amir.

"Bakit naman sayang? May maganda ka namang Tita..." Natawa ako.

Nagkaroon ng TB ang mga kasama ko. Hindi ko sila pinansin at tinuon ang paningin kay Amir.

"No, I thought I'm gonna court you once I grow up!" ngumuso siya.

Nagsalubong ang kilay ni Kuya. "What, son?"

"When I saw her at the mall, I promised to myself that I'm gonna court her once I grow up! Pero Tita ko pala siya! And she have a boyfriend already..." Umirap ang bata kay Phoenix dahil nakitang hawak-hawak ang kamay ko.

Nakarinig ako ng mga tawa mula sa mga kasama namin.

"'Buti na lang mag-Tita sila, Nix, kung hindi may karibal ka," natatawang sabi ni Finn, may pasa sa labi. "At bata pa!"

"Shut up..." Tumingin si Phoenix kay Amir. "She's mine now."

Umayos ako ng upo. "Okay lang 'yan. Makakahanap ka rin ng girlfriend-joke lang," bawi ko agad dahil nasa paligid si Kuya. "Bata ka pa."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now