Chapter 24

23.6K 682 96
                                    

Chapter 24: Legate

Darius

This guy in front of me is so damn desperate He's willing to do everything para lang tulungan namin siya. And he really sent himself here. He even told us about that shit's secrets. As if I cared about those? Napairap nalang ako nang maalala ang gusto mangyari ni Edmark.

Gusto niyang saktan si Rafael, his fiancée's ex-boyfriend. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay at bakit kami ang nilapitan.

Si Gianna ang ipinadala ko dahil hindi nila kilala ang babaeng 'to. Noong una nagdadalawang isip pa ako dahil lesbian 'to at baka kapatid ko ang mapagdiskitahan pero ayos na rin siguro dahil may tiwala naman ako sa babaeng 'to.

"Tangina, sigurado ka ba?" Gianna asked, irritated.

"Of course." I answered.

I gave her a picture of my sister. Irita niya 'yong kinuha sa kamay ko.

"Sino ba ang babaeng 'to?" Mas lalo yatang nadagdagan ang inis niya.

She stared at a picture.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman kayang pumasok sa utak nitong babaeng 'to? Iniisip niya bang magiging isa mga girls niya ang kapatid ko? Hell no.

"Ang inosente siguro nito," sabi niya

I laughed. Seriously? She really thinks that Darlene is an innocent? Well, minsan, oo. Sa ibang bagay inosente siya.

"She's not. Maldita 'yan. Kaya ka niyang pabagsakin sa isang suntok lang kaya huwag mo siyang bibwisitin. And also, she's hot-headed." I said while remembering the time when she punched me.

Iyon ang unang beses na pagkikita namin. We're both nine years old at that time and grade four. Field Trip namin 'yon at gano'n din sila. Noong una nagtataka pa ako kung bakit may pagkakahawig kaming dalawa 'yon pala, kakambal ko siya.

May nababanggit sa akin si Mama na may kapatid daw ako kaso hindi ko kilala. Maybe because she left with me when I was two? Iniwan namin sila ni Mama sa hindi ko alam na dahilan.

I was so shocked knowing her name that day. Hindi ako makapaniwala na may twin nga ako, pero mas lalo akong hindi makapaniwala noong... sinuntok niya ang ilong ko dahil lang sa nadali ko ang nag-iisa niyang kaibigan.

Humingi pa ako ng sorry pero, shit, ang angas niya talaga. No wonder why sometimes takot si Kuya sa kaniya? Yeah, my big brother is scared of our little sister.

Until now, tuwing naiisip ko ang nangyari noong field trip namin ay sumasakit ang ilong ko. Napahawak nalang ako sa noo nang maalala ang araw na 'yon. Nakakatuwa and ang sakit at the same time dahil alam mo 'yon? Hindi mo naman sinasadya na madali, e, tapos sinuntok ka? 

Nakakatakot talaga siya.

I tried to talked to her kaso bwisit siya na nangyari kaya panay ang snob niya. Noong nagkaroon na kami ng kaayusan sinabi ko na sa kaniya. Gulat pa siya at parang hindi makapaniwala pero noong siya mismo ang nakatuklas sobrang saya niya at syempre gano'n din ako. Of course, I'll be happy! Imagine, I have a sister like her?

Lagi kaming magkasama noon. I used to gave her a stuffed toys and her favorite food which is crinkles. At siya rin ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ng kaibigan niya, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kahit dalawang taon na ang lumipas.

"Sino nga 'to?" My sense back. "Nakita ko na ba 'to?"

"Darlene, my precious sister," I smiled a bit. "She's studying in Southeast Hill. Kung saan nag-aaral si Edmark kapag dumating siya sa eksena. Huwag niyo siyang idadamay dahil kung mangyari man 'yon ako mismo ang babali sa buto niyo," banta ko. "And siya ang babaeng pinapahanap ko sa 'yo noon."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now