Chapter 122

13.8K 361 44
                                    

Chapter 122: Coronation Day

Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin sa sarili ko na isa akong Prinsesa. Ngayong araw na ang coronation day ko.

Sobrang nanlalamig na ang kamay ko. Kanina pa ako nakakatanggap ng text message mula kina Gianna at sa iba. Alam na nilang lahat kung bakit ako nandito at lahat sila gulat sa nalaman lalo na sa mga picture na palagi nilang nakikita kaya sobra-sobra rin ang gulat nila ng sabihin ko ang balak ni abuela kung sakaling koronahan na ako.

Pero hindi pumayag sina Mama at Papa dahil nga ayaw nila pero alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Abuela magawa lang ang gusto niya. At alam niyo ba ang nalaman ko?

Kinausap ni Phoenix si abuela at may kondisyon silang dalawa na kapag sumama ako kay Phoenix pabalik sa Pilipinas ay titigil siya. Pero kailangan hindi ko malalaman ang kondisyon na 'yon. At kapag hindi naman ako bumalik sa Pilipinas ibig sabihin mas ginusto ko ang kondisyon ni Abuela.

Parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko nang malaman ko ang tungkol doon.

Kapag ginawa kong tanggapin ang pagiging Queen ibig-sabihin mawawalan rin ako ng karapatan magmahal ng katulad ni Phoenix. Dapat ang puwede ko lang mahalin ay mga dugong bughaw katulad ng mga pinsan ko.

Bakit kasi may ganito-ganito pa? Kung may love has no gender, at age doesn't matter. Dapat may love has no blood rin when it comes to Royal Family! Ang daya! Bawal akong magmahal gano'n? Tatanda akong dalaga? Nakakainis naman talaga.

Gusto kong patagalin ang oras. Kung maibabalik ko lang ang oras noong nag-usap kami ni Phoenix... nagawa ko na.

Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko. Ilang minuto na lang ay aalis na kami papunta sa lugar kung saan sila naghihintay sa akin.

Once na mag-message ang si Phoenix, kahit isa, pangako, ititigil ko 'to.

Dinampot ko ang cellphone sa kama nang tumunog.

"Hello?" Pag-sagot ko sa tawag.

"[Darlene, sigurado ka na ba sa plano mo?]" Boses ni Gianna ang narinig ko, malungkot ang boses niya.

"Oo." Hindi ako sigurado.

"[But, Darlene, aren't you love Phoenix?]"

"Ewan ko, basta. Magtiwala na lang kayo," sabi ko. "Sige, bye na." Binaba ko ang cellphone ko nang may kumatok.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Isang strapless, a-line floral ball gown ang suot ko with matching opera gloves. Kulay puti ang gown pero maganda. Masyado lang mahaba at malaki ang ibaba pero maganda siya tingnan. May suot rin akong diamond earring at at necklace.

"Darlene... wow... you're so beautiful. You are an epitome of a true princess!" Lumapit si Reina sa akin.

"Thank you..." ngumiti ako.

"By the way, let's go? Your parents are waiting downstairs."

Bumaba na lang kaming dalawa. Iyong mukha ko halatang napipilitan lang pero pilit akong ngumiti. Iyong mukha naman ni abuela sobrang saya. Ngumiti ako sa kaniya.

Panay ang puri nila sa akin kaya ito panay ngiti pa rin ang ginagawa ko. Ano bang pwedeng kong gawin? 'Di ba ngiti lang?

Nang makarating kami sa buong lugar maraming mga taong kumukuha ng video. Inaayos ko ang buhok ko dahil nasisira. Sobrang ganda ko ngayong araw. Prinsesang-prinsesa talaga ang ganap ko.

Ngumiti ako sa isang photographer.

"Darlene, if you want to go home. We'll go home," sabi ni Mama.

Tingnan mo 'tong si Mama... nandito na kami tapos uuwi pa? Sayang ang gas! Saka desidido na ako! Desidido na akong sabihin sa lahat ang pipiliin ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now