Chapter 60

22.4K 543 73
                                    

Chapter 60: Pictures

Nakatingin si Harvey sa amin ni Phoenix. Gulat na gulat pa siya habang nakahawak sa bibig. Parang tanga naman 'to, eh. Para hug lang naman, e, masama ba 'yon?

"Ganito kasi 'yon, Harvey. Hug lang 'yon," pagpapaliwanag ko.

"Don't need to explain." Hinawakan ni Phoenix ang isang kamay ko.

"Oo nga! Ship ko kayo! Huwag ka ng mag-explain!" Hinila ako ni Harvey dahilan para mapabitiw ako sa kamay ni Phoenix. "Pumasok na lang tayo sa loob!" Agad namang binitawan ni Harvey ang kamay ko nang lumingon sa likod. "Bakod na bakod?"

"Fuck you," dinig kong sagot ni Phoenix.

"Lakas mambakod ng boyfriend mo." Siniko ako ni Harvey at parang tanga na kinikilig. "Kilig ako, syet."

Tumawa ako dahil sa itsura niya. "Mukha kang ewan."

Nilingon ko si Phoenix na nakatingin sa akin. Kinindatan ko siya dahilan para matigil siya at umiwas ng tingin. Dumiretso ako sa loob at sumalubong ang mga gago na may kaniya-kaniyang ginagawa.

Wow, parang bahay na ang style nito. Hindi na 'to room! I mean, may taas kasi siya, mayroong sala at kusina. Kaya pala abot hanggang sa taas ng kinauupuan ko. Sa tapat ko pa, ah! Grabe ang laki nito!

May pagkain sa lamesa at sobrang dami. Mga nag-si-angatan sila ng tingin sa akin nang mapansin ako.

"Ano ang nangyari sa 'yo, Nix?" Tanong ni Finn kay Phoenix.

Tumingin ako sa likod ko, nakatayo si Phoenix sa tabi ng puno. Hindi siya sumagot at nanahimik lang. Gusto kong tawanan 'yong itsura niya pero nanahimik na lang ako bago binalik ang tingin sa kanilang lahat.

"Ano ang nangyari do'n?" Maging si Dash ay naguguluhan.

Balak na mag-salita ni Harvey nang dumiretso ang tingin ko sa kaniya. "Ehem!" Pekeng ubo niya. "Ang sarap nitong shanghai." Tinaas niya ang kinakain.

"Ewan..." sagot ko. "Ang init naman! Buksan niyo kaya 'yong tanginang aircon. Urong nga kayo." Umurong naman sila para makaupo ako.

"Oo nga, 'no? May aircon nga pala tayo rito pero hindi man lang natin binubuksan." Kinuha ni Renz ang remote.

"Paupuin niyo 'yong prinsesa! Nagrereklamo na!" si Gael nang makitang nahihirapan ako dahil sa espasyo ng sofa.

"Kadiri talaga ang Princess na 'yan," ngumiwi ako.

"May prinsesa bang nagmumura?" Tanong ni Rafael na kararating lang.

Nasa likod niya si Tricia.

"Ulol." Umirap ako.

"Gutom na ako. Kumain na lang tayo." Kumuha ng shanghai si Owen. "Ang sarap nito."

Sumunod naman ang iba sa kaniya.

"Pahingi ako! Bigyan niyo ng shanghai ang gwapong katulad ko." Ngumisi si Dice at kinuha ang kay Owen.

"Gago, marami dito, huwag 'yong sa akin ang kunin mo. Tangina, Acosta!" Singhal niya.

"Oh." Niluwa ni Dice ang shanghai at binigay kay Owen. "Kainin mo 'yan, ah."

"Kadiri ka, gago," napangiwi si Owen. "Putangina, hindi ko pinangarap na malasahan ang nakakamatay mong laway!"

Tumingin ako sa naglagay ng paper plate sa kamay ko. May laman na pagkain 'yon at ang dami, pucha. Pero ayos lang, mauubos ko naman lahat 'to, e.

Si Trevor 'yon.

"Kumain ka na," aniya at ngumiti.

Nilagpasan niya ako at si Dash naman ang nasa harapan ko. "Kutsara mo." Ngumiti rin siya at nilagpasan ako pero nahawakan ko ang braso niya para tumigil.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now