Chapter 50

24.7K 572 66
                                    

Chapter 50: Together

"M-Mali ka ng iniisip!" Giit ko nang makatayo ng maayos. Namumula ang pisngi ko, parang sasabog sa sobrang init!

Bakit kasi nanghihila bigla?

"Oh? You look good together! Dapat pala pinictyuran ko!" Ngumisi pa siya.

Masama akong tumingin sa kaniya habang pinapagpag ang sarili. Nagusot ang uniform ko dahil doon, nadumihan rin ang uniporme ko. Hinawakan ko ang kamay ni Phoenix para tulungan siyang makatayo. Napuruhan nga talaga ang likod niya, halata sa mukha niya, e. Pinagpagan niya rin ang sarili at tumingin kay Laureen.

"Laureen," sabay pa kaming dalawa na nag-salita.

"Yes, lovers?"

"Hindi kami lovers!" Masama ang tingin ko sa kaniya. "Baliw ka ba?"

"Sus!" Tumawa siya. "Lakas maka-deny! Lowkey relationship pala ang gusto! O kaya private!"

"Don't tell anyone about what you see, including the class 8," sabi ni Phoenix. "Fuck, I'm sure they'll start to tease us again if they found out about this. It was an accident, I pulled her, she lost her balance, so do I."

Tumango ako kay Laureen. "Oo nga!" sang-ayon ko. "Huwag kang ano diyan! Malisosya 'to! Issue ka, girl?"

Ngumisi siya. "Don't panic naman! I won't tell anyone, I promise!" Dumiretso siya sa locker niya na malayo sa amin.

Siguraduhin mo lang, Laureen. Hindi talaga kita bestie kapag nangyari 'yon.

"Hila ka kasi nang hila," sabi ko habang inaayos ang sarili. "Kung hindi mo sana ako hinila, wala sanang gano'n." Binalik ko ang pagkain sa locker para makabalik na sa classroom.

"Sorry, okay? I lost my balance," sagot niya. "Pinapatayo ka naman kasi pero ayaw mong tumayo, edi sana kanina pa tayo nasa classroom ngayon."

"Kasalanan mo pa rin," sambit ko.

"Okay. It's my fault now, so sorry."

"Oo na..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Nga pala... uhm i-iyong nangyari... uhm kagabi..."

Nakuha niya ang ibig kong sabihin. "It's alright, okay, Miranda. You misunderstood my words but it doesn't matter, I'll enjoy it anyway."

Nawala ang hiyang nararamdaman ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Bahagyang sumama ang tingin ko sa kaniya pero ngumisi lang siya sa akin.

"Letche ka talaga."

"Alright, cuss whenever you want but every cussed you say ay nadadagdagan ang listahan," natural lang ang boses niya. "And it's already Fifty-one plus one, fifty-two."

"Grabe ka!"

"Gusto mong mabawasan?" Tanong niya. "It's just simple..."

Tumingin ako sa kaniya.

"You want?"

"Ang alin?" tanong ko pabalik.

"Ito." Nilapit niya ang mukha sa akin bago mag-smack ng halik. "It's different from your kiss," aniya bago dampian ulit ng halik ang labi ko. "It's so sweet. I like it."

Lumayo ako. "Seryoso ako rito!" Tinakpan ko ang bibig.

"I'm serious too. Just wait for another cuss for sure you'll be with me—I mean you will be mine."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"We're getting engaged." Nang-aasar lang yata ang gagong 'to.

"Hindi ka talaga nagbibiro?" Tanong ko at nagsimulang mag-lakad.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now