Chapter 8

31K 838 81
                                    

Chapter 8: Nakaraan

"I heard that something happened this morning."

Napatingin ako kay Kuya nang marinig ang sinabi niya. Halos mapamura naman ako. Baka isipin nito, e, kasama ako pero hindi! Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Hindi ako kasali doon. Sila lang 'yon," sambit ko naman agad para mapigilan ang mga susunod niyang gagawin.

"Alam ko," sagot niya.

Nahinto naman ako dahil sa narinig. Paano niya nalaman? Hindi naman siya pumasok sa School ko kaya paano niya nalaman? May kapangyarihan kaya siyang makita ang mga nagaganap sa pamamagitan ko? Hala, nakikita kaya ni Kuya ang future ko? Hmm, magiging mayaman ba ako o makakapag-asawa ng gwapo?

"P-Paano? Ni hindi ka pa nga tumutungtong dito." Tinuro ko ang School na nasa harap namin.

Ngumisi lang siya bago ulit maging seryoso ang mukha. "May nanliligaw ba sa 'yo?"

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Wala, no," sagot ko. Saan naman naggaling 'yon? Baliw na yata si Kuya.

"'Yong totoo?" Naningkit ang mata niya sa akin.

"Wala nga kasing nanliligaw sa akin, Kuya! Kanino ba nanggaling ang chismis na 'yan?" Kunot noong tanong ko. "Kung sino man nagsabi niyan, gago siya! Lakas ng tama niyang kingina siya," sabi ko at umirap.

"Sigurado ka ba?"

"Oo nga, Kuya!" Sagot ko at tumango naman siya.

"Damn you, fucker...." Bulong ni Kuya.

"Huh?"

Umiling siya bago i-unlock ang pinto ng kotse. "Susunduin kita mamaya," paalala niya.

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba dahil pinagtutulakan niya ako palabas ng kotse niya. Lutang akong naglakad. Paano niya kaya nalaman ang away rito? At kanino naman nanggaling na may nanliligaw sa akin? Gago 'yong nag-sabi no'n.

Excuse me! Wala akong suitor!

Natigil lang ako sa paglalakad dahil may humarang na babae sa dinadaanan ko. Ni head to foot niya ako at gano'n rin ang ginawa ko. Naka-high pony siya at fitted ang uniforms. Naka-makeup rin siya. Mukha siyang McDonald.

"Tabi." Tiningnan ko ang babaeng nasa harap ko.

Halos magkasing tangkad lang kaming dalawa pero kapag tinanggal ang heels niya ay mas matangkad ako.

"Sabi ko, tabi ka kasi dadaan ako," mahinahon kong sabi.

Tiningnan lang niya ako at lalo pang humarang. "Edi sa kabila ka dumaan, nakatayo ako dito, 'di ba."

Makakasampal ako.

Ginawa ko ang sinabi niya pero mas lalo lang humarang sa daan ang kamag-anak ni McDonald. Nagsisimula na akong mainis, gusto yata nitong maranasan na dumugo ang ilong, 'yong parang gripo ang datingan para maangas.

"Oops, sorry," sabi niya at tumawa kasama ng mga alipores niyang.

Kingina naman, o.

"Nakashabu yata ang putang ina," bulong ko pero mukhang narinig nila.

"Narinig ko ang sinabi mo!" Sigaw niya.

"Edi good for you dahil hindi ka bingi," bored kong sinabi. "Tangina, umalis ka na kasi." Kapag ako nahuli sa klase ko, ingungudngod ko siya sa espasol.

Napatingin ang ibang estudyante dahil sa kaniya. Agaw eksena ang kamag anak ni Ronald. Ang sasama rin ng tingin sa akin ng mga kasama niyang lalaki napatingin ako kay. . . Edmark na may band aid ang mukha. Sobrang sama ng tingin niya sa akin kaya umiwas ako.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now