Chapter 29

24.7K 739 152
                                    

Chapter 29: Party

"Darlene, what are you wearing?" Kunot ang noo ni Papa nang mag-tanong habang inaayos ang necktie niya.

Pinatawag niya raw kasi ako kaya ako pumunta rito, hindi ko naman alam na sisitahin niya ang suot ko.

Ano ang problema sa suot ko? Naka-jeans at v-neck white shirt ako. Tapos nakasuot rin ako ng sneakers na white. Maayos rin ang pagkakatali sa buhok ko kaya ayos na 'to.

Partida naligo ulit ako, ah? Amoy pawis kasi ako kanina. Habang naghihintay kami ng oras kanina, nag-punta kaming cemetery para bisitahin si Tita, ang tunay na Mama ni Kuya. At ang dating asawa ni Papa.

Hindi nakita ni Kuya ang Mom niya kasi pagkapanganak pa lang daw kay Kuya agad na binawian ng buhay. Tapos nag-golf kami ni Kuya! Ang bobo niya nga, e.

"Bakit?"

"Wear a dress." Binigay niya sa akin ang isang box.

"We are going to a party, Darlene," sabi ni Kuya na kakapasok lang.

Eh? Party naman nino? Akala ko naman dinner lang sa resto.

Nakasuot ng black tuxedo si Kuya at ang pogi niya! Naka-gel ang buhok at ang bango niya kaso hindi ko gusto ang amoy tapos idagdag mo pa ang fierce niyang mukha at ang malamig niyang tingin.

Umay, kaya siguro walang girlfriend si Kuya?

Napabuga ako ng hangin bago tanggapin 'yon.

"Padating na si Gwen dito para ayusan ka," narinig kong sabi ni Papa bago ako lumabas ng kwarto niya.

Nakakainis naman. Okay naman 'yong suot ko, ah? Kaso nakakahiya nga kung ganito.

Nang makapasok ako sa kwarto ko agad kong binuksan ang box. Bumungad sa akin isang black long dress na may slit sa gilid. May mga pearl din ang long dress.

Hindi ko pa nasusuot parang nangangati na ako.

Kinuha ko ang long dress at pinatong sa kama. Wala pang minuto ay may kumatok na sa kwarto ko. Agad ko 'yong binuksan at bumungad ang isang babaeng.

Siya siguro 'yong Gwen na tinutukoy ni Papa. Pinapasok ko sila sa kwarto ko at agad na sinet-up ang gagamitin. Pinaupo nila ako sa harap ng salamin at agad na ngumiti.

"Ano po, uhm, 'wag po masyadong makapal," paalala ko.

"Simple lang pero maganda tingnan ang gusto mo?" Tanong ni Tita Gwen.

Tumango na lang ako para tumigil na siya sa kakatanong. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sinasabi niya. May gano'n bang style?

Nakita ko sa salamin na pumasok sila Papa at Kuya. Pareho na silang nakaayos at halata sa mukha ni Kuya na nabobored na siya. Ayaw niya sa ganitong kaartehan, gano'n rin naman ako, 'no! Mahuhulas lang din naman, sayang lang ang product na gagamitin.

Tinanggal rin nila ang tali ko sa buhok. Hirap na hirap akong itali 'yon tapos tatanggalin lang nila? Ginawang fishtail crown braid ang buhok, sabi ng hairstylist. Kinulot rin ang ibabang buhok ko.

"Parang ikakasal ang anak mo, Dylan," sabi ni Tita Gwen habang pinagmamasdan ang masterpiece niya sa mukha ko.

Simple lang talaga ang ginawa niya pero maganda. Hindi ko lang alam kung anong mga kulay ng eyeshadow? Ay, smokey eye makeup pala 'to!

Hindi nagustuhan ni Papa at Kuya ang sinabi ni Gwen dahil sabay na kumunot ang noo nila.

"I was just kidding," bawi niya.

Lumabas sila Papa para makapag-bihis ako. Akala ko hindi magkakasya dahil sa dami ng kinain ko. Marami akong kinakain pero payat pa rin ako. Hindi nagbabago ang figure ko, may curve ang katawan ko at kita din ang cleavage ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt