Chapter 59

22.1K 571 160
                                    

Chapter 59: PDA

Napamulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Darius sa labas ng kwarto ko. Panay ang katok niya at sigaw ng 'Wake up!' Natutulog pa ang tao! Parang hindi ako natulog dahil inaantok pa rin ako.

Trivia lang ho ano. Hindi pa po ako nakauwi kagabi matapos naming kumain sa resto ni Phoenix. Dumiretso kami sa... ewan! Basta nakaabot 'yong sasakyan niya sa tuktok kung saan kita 'yong mga city lights. Nandoon lang kaming dalawa habang nagtatanong sa isa't-isa ng kung ano-ano sa buhay naming dalawa. Tapos gumawa kami ng handshake sa isa't-isa, iyong madali lang tandaan.

May dala-dala pa kaming pagkain kahit kakain lang namin ng dinner. Mabuti na lang pwedeng mag-charge sa kotse niya kaya nagsa-soundtrip kaming dalawa at hindi nalo-low battery ang cellphone ko.

Daig pa namin nagca-camping tapos nakatulog pa kami sa kotse niya, nagising kami alas-tres na nang umaga dahil may tumawag sa kaniya at si Finn 'yon. Umuwi ako ng gano'ng oras. Tulog na si Kuya at Darius no'n. Wala rin ang ibang men-in-black ni Papa nang dumating ako.

"Darlene!" Katok ni Darius.

Bumangon ako at dumiretso sa pinto para pagbuksan siya. "Ano ba 'yon?" Kinusot ko ang mata. "Umagang-umaga salubong ang kilay mo."

"Who was with you last night?" Lumingon ako sa tabi niya, si Kuya salubong din ang kilay. "You got home at three in the morning, Lin. Uwi ba 'yon ng matinong babae?"

Parang si Papa lang. At saka, ang akala ko tulog na sila, hindi pa pala. Alam nilang umuwi ako ng alas-tres.

"Ano kasi..." Kamot-ulo kong sabi.

"What?" Tanong ni Kuya.

"Nag-paalam naman ako kay Papa, eh. Saka pumayag naman siya na kasama ko si Velasquez," sagot ko kahit hindi talaga ako nagpaalam.

"You two are together?" Tumango ako kay Kuya. "Saan? Saan kayo galing dalawa at umabot kayo ng alas tres ng umaga?"

"Hindi ko alam kung anong lugar 'yon, eh. Basta nasa tuktok kami tapos kita 'yong mga city lights. Nakatulog kasi ako sa kotse niya, eh." Umayos ako ng tayo.

"Did he do something—"

"Kuya, Phoenix is not like what you think. He has respect for a girl because he have a sister. He respects Darlene so much kaya mali ka ng iniisip." Putol ni Darius kay Kuya. "I know Phoenix well. Hindi siya katulad ng iniisip mo."

Totoo kaya 'yon. Wala kayang ginagawang masama si Phoenix! Nandoon lang naman kaming dalawa, e. Ang judgemental mo, Kuya!

"It's not like that. I just want to make sure."

Ang dami nilang sinasabi sa akin pero pinakinggan ko na lang ang mga sermon nila habang nakasimangot.

"Hindi na mauulit! O kaya magpapaalam na lang ako kung sakaling mau—"

"It will never happen again," sabay pala talaga silang nagsalita dalawa.

"Oo na! Hindi na 'yon mauulit."

Umismid pa silang dalawa bago ako iwan.

Bumalik ako sa kama ko at nahiga. Pero bumangon agad ako para maligo dahil may pasok pa nga pala ako. First time kong mag-tagal sa bathroom para lang maligo. Dati wisik-wisik lang ang ginagawa ko ngayon sobra, e! Iba! Sobrang linis na linis. Balak ko sanang mag-beauty mask kaso hindi ako marunong mag-lagay kaya hilamos na lang ang ginawa ko.

Kumikinis naman ang mukha ko sa simpleng sabon at tubig. Nawawala rin ang pimples ko.

Sinuot ko ang uniform ko at nang matapos ay kinuha ko ang bag ko. Hindi pa ako nagsusuklay pero may dala akong brush. First time ko rin suotin ang black shoes ko na may takong na kaunti. Matagal na 'to pero hindi ko ginagamit, mas gusto ko kasi ang converse. Dumiretso ako sa dining para tingnan kung nandoon na sila pero wala. Hinanap ko sila sa bahay kaso wala rin!

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now