Chapter 67

21.1K 545 218
                                    

Chapter 67: Friendship

Darlene

Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa kirot. Pag-gising ko, masakit ang mata ko dahil sa pag-iyak. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng 'yon? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng 'yon? Tuwing masaya ako ay palagi ko na lang nararanasan 'yon. Gusto ko lang maging masaya. Gusto ko lang naman enjoy-in ang teenage life ko.

Balak ko sanang tumayo kaso napansin kong may nakayakap sa baywang ko. Nagbaba ako ng tingin. Natutulog si Phoenix. Nakadapa siya habang ang kaliwang kamay ay nakayakap sa akin. Napangiti naman ako bago halikan ang cheeks niya.

Umayos ako ng higa. Tumingin ako sa paligid. Nasa condo niya ako. Nagbaba ako ng tingin sa sarili. Iba ang damit ko, ah? Sino kaya ang nag-bihis sa akin? Hindi ko iniisip na siya dahil alam ko namang hindi niya kayang gawin 'yon. 

Tinanggal ko ang kamay niya pero binalik niya lang ulit sabay ayos ng higa. Napalunok ako nang makita ang katawan niya. Naka-topless siya. Iniwas ko ang tingin sa katawan niya. Aminin ko man o hindi, ang ganda ng katawan ng kingina. Full package na siya! Halatang nag-gym!

Gusto niyo bang makita ang katawan niya?

Tinanggal ko ang kamay niya. Mabuti ay hindi niya binalik sa sobrang himbing ng tulog niya. Pumasok ako sa bathroom. Nang matapos humarap ako sa lababo para maghilamos ng mukha. Tumingin ako sa mga gamit niya. Ang mahal siguro ng sabon ni Phoenix? Mukhang imported! Ang bango! Kaya siguro wala akong makikitang pimples sa mukha no'n? 

Nagkakaroon ako ng pimples. Sign na ba 'to na inlove talaga ako sa gunggong na 'to? Naghanap rin ako ng extra toothbrush sa lagayan. May nakita naman ako kaya nag-toothbrush, iyon ang ginamit ko. Habang may ginagawa, sumagi sa isip ko ang nangyari.

Sino kaya ang babae na lumapit sa akin? Hindi ko rin masyadong nakilala ang boses dahil halatang umiiyak, nanginginig pa nga ang boses no'n, e. Kilala niya rin ako, may paghalik pa talaga sa noo ko, e.

Wala na sa kama si Phoenix pero naka-bukas ang pinto ng kwarto kaya rinig ang mga ingay sa labas. Pati ang mga boses ni Harvey mula sa kusina. Sinarado  ko ang pinto dahil nakabukas rin ang aircon. Naaninag kong nakabukas ang balcony. Natatakpan lang ng kurtina. Lumapit ako doon. Nakita kong nasa labas si Phoenix, may kausap siya sa cellphone.

Akala ko ba ay tumigil na siya sa pagci-cigarettes? Bakit may hawak sa pagitan ng daliri niya? Nakahawak siya sa railing ng balcony at ang isang kamay ay may hawak na cellphone.

Kitang-kita ang maganda niyang katawan sa kinatatayuan ko. Gandang muscles 'yan, pucha! Ang ganda ng katawan. Hala, pinagnanasaan ko ba ang katawan niya? Hindi! Hindi ko siya pinagnanasaan! Pinagnanasaan ko lang ng sobra.

Ang swerte ang makakakita sa kanya rito. Ang ganda ng view. Kanin na lang kulang may ulam na, e. Lumingon siya sa akin nang mapansin niya ako.

"Can you just send that to Lala. I'm with my wife. Yeah. Thanks." Pinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Hinila naman niya ako palapit sa kaniya sabay halik sa pisngi ko. "Good Morning, Darlene." Tinapon niya ang sigarilyo niya sa lapag.

"G-Good Morning. Pwede mo na akong bitiwan," sabi ko dahil hindi ako sanay na naka-topless siya tapos nakahawak pa sa akin. "Tsaka, akala ko ba tumigil ka na sa pag-smoke?"

"Phoebe wasn't here." Hinalik-halikan niya ang pisngi ko. "Are you okay now? Does your head still hurt?"

"Kanina lang," ngumiti naman ako.

"I'm so worried about you." Ramdam ko sa boses niyang nag-aalala talaga siya. "I thought you got kidnapped, buti na lang suot mo ang necklace mo kaya madali kitang nakita."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now