Chapter 124

14.2K 353 18
                                    

Chapter 124: Plans

Nanonood ako ng TV habang nakaupo sa sofa. Iyong tungkol sa nangyayari ang nakikita ko, paulit-ulit lang. Pinatay ko na lang dahil wala naman akong mapapala kung papanoorin ko lahat. Sikat na sikat yata ako sa ginawa ko ngayon. Halos dumugin ang twitter account ko. Daig ko pa nasa showbiz.

Nagpalit na nga pala ako ng damit kanina. Ang kati sa katawan no'ng gown. Plano ko na rin umuwi dahil alam kong nakauwi na silang lahat. Kanina pa kaya ako rito sa hotel. Dumating na ang mga pinsan ko dito.

"Men, ang galing mo!" Hinampas ako ni Jacob sa balikat.

Nandito rin pala ang bwisit na 'to.

"Ang ganda ng speech mo. Pwede ka ng mag-Miss Universe!" Hinampas niya ulit ako. "Kung makikita lang 'yon ni Phoenix?! Gagi, hulog 'yon pati brief." Malakas siyang tumawa. Halos mag-echo ang tawa niya sa buong kwarto.

"Ano ba?" Saway ko sa kaniya.

"Yie, kunyari ka pa. Anong kulay ng brief niya? For sure lagi mong nakikita." Tinuro niya pa ako.

"Tarantado ka ba?" Inis kong tanong kaya mas lalong lumakas ang tawa niya. Halos mamatay na siya sa kakatawa. "Sasaksakin kita nitong tinidor. Tigilan mo nga!"

"Guilty ka, lods. Alam mo nga," pang-aasar pa niya. "Ayan, ha! Nakatira kayo sa iisang bubong ni Phoenix 'no?!" Inakusahan niya ako gamit ang mata. "Kayo, ha..." pinanliitan niya ako ng mata.

"Sa Condo niya kami palagi pero hindi katulad ng iniisip mo! Hindi gano'n!" Binato ko siya ng unan. "Tarantado ka, Jacob! Kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo! Kingina! Tigilan mo 'yan, ha!"

"Talaga lang, ha? Wala talaga?" Ngumisi siya.

"Hayop nga naman! Masasampal kita!" Namula ang pisngi ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin dahil alam kong nanunuri siya. "Gago! Ano ba?"

Malakas siyang tumawa. "Ang guilty mo naman masyado. Napaghahalataan ka tuloy." Hinampas na naman niya ako. "Okay, lang 'yan. Mag-boyfriend naman kayong dalawa." Lakas talaga nitong mang-asar.

"Tangina, Jacob!" Naiinis na sabi ko. Shit. Bakit parang alam niya? "Walang gano'n, okay?" pinanliitan ko siya ng mata. "Wala."

"Okay. . . wala." Natatawa pa rin siya kaya sinipa ko na siya sa paa niya. "Ang pikon mo naman!"

Binato ko lahat ng unan na madampot ko sa kanya.

Tumigil ako dahil biglang nag-ring ang cellphone niya. Umalis siya sa kwarto kaya hinayaan ko na. Nakarinig naman ako ng tatlong katok kaya tumayo ako para buksan kaso may nag-bukas na.

"Darlene, we need to go home now." Pumasok ng hotel room si Reina. "They are all at home now."

Doon na ba nila ako sisigawan?

Tumango ako. "Sige."

Kinuha ko ang cellphone ko sa kama. Nag-paalam na ako kay Jacob na uuwi na kami nila Reina at tumango naman siya dahil may kausap pa siya sa cellphone. Marami pa daw na tao sa labas kaya kailangan ko pang dumaan sa likod ng hotel dahil nandoon naghihintay ang sasakyan.

Agad akong pumasok sa kotse para makarating sa Palace. Nang makarating doon sa gate, marami rin naghihintay kaya napapamura na lang ako sa isip. Akala ko hindi na kami makakaalis doon.

Bumaba na ako sa kotse para pumasok sa loob. Nasa sala ni Aunt Carmilla.

"Are you okay?" Tanong niya.

"Yeah, I'm okay," sagot ko.

Umakyat ako sa opisina dahil nandoon daw sila Mama at ako lang ang hinihintay.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now