Chapter 107

16.5K 424 95
                                    

Chapter 107: Tiwala

Tahimik lang ako hanggang makauwi sa bahay. Tinatanong pa ako ni Mama kung may gusto ba akong kainin pero ang sabi ko, busog ako.

Parang hindi ako nakakaramdam ng gutom sa nangyari at nalaman ko ngayong araw. Parang nawalan ako ng ganang kumilos dahil sa nalaman ko. Hindi ko talaga inakala na magagawa nila 'yon sa 'kin. Umaasa pa naman akong hindi 'yon totoo. Naniwala akong itatanggi nila dahil mali si Iris pero totoo... totoo ang sinasabi ni Iris.

Totoo lahat 'yon at ang mas masakit kasama pa ang lalaking pinakamamahal ko.

Hindi ko na tuloy alam kung sino ang totoo at peke. Hindi ko alam may tumatraydor na pala sa akin patalikod.

Ang sakit palang maloko kapag malapit sa 'yo mismo ang gumawa. Hindi lang naman basta-basta ang ginawa nila. Pinglaruan nila akong lahat tapos ano ang gusto nilang maging reaction ko? Matuwa pa ako kasi naloko na ako?

Ako? Iyong katawan ko?! Ititigil nila kung sakaling bumigay ako? Well para sabihin ko sa kanila, hindi ako katulad ng iba. Hindi ako katulad ng mga babaeng nilalandi nila.

Maganda lang ako pero hindi ako mabilis bumigay ng basta-basta lang kahit pa na si Phoenix, alam ko rin naman na hinding hindi niya rin kayang gawin 'yon. Ang taas ng respeto niya sa akin bilang babae pero hindi ibig sabihin no'n makakalimutan ko na ang ginawa niya.

Bigay-bigay na ang tiwala ko sa kanilang lahat, halos lahat ng pagtitiwala na mayroon ako ibinigay ko.

At sana pala kung alam ko na ganito lang ang ending sana. . . pinigilan ko na lang ang sarili kong mahulog. Sana hindi ako nasasaktan ngayon. Sana hindi masyadong masakit.

Pero ang gago mo, Velasquez. Hindi lang isang sampal dapat ang deserve niya.

Deserve niyang masaktan katulad ng nangyayari sa akin pero hindi ako gaganti. Alam ko naman ang biggest karma niya.

Mawawala ako sa kaniya. Iyon ang biggest karma niya.

Ang galing niya magpaikot. Nagawa niya akong paikutin sa palad niya gamit lang ang salita. Ang galing niyang manloko. Ang galing niyang manggago.

Minsan naiisip ko nga kung totoo ba ang pagmamahal na binigay niya. Kasi 'yong akin, totoo 'yon. Sumugal ako kahit alam kong masasaktan ako at nangyari nga. Nasaktan nga ako. Kaya pala hindi siya nangako dahil alam niya sa sarili niyang sasaktan niya ako sa bandang huli.

Hinding-hindi na ako maniniwala sa kaniya.

"Mahal mo 'ko? Hindi 'yan totoo..." bulong ko.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga sa sobrang bigat. Dumodoble ang nararamdamam ko. Ang sakit... Iyong umiiyak ka na lang sa sakit at hindi ka na makapag-isip ng maayos. Naiiyak ka na lang ng sobra.

Kanina pa ako nasa kwarto at hindi mapigilan ang umiyak. Paulit-ulit lang, e. Umiiyak ako at nasasaktan. "Akala ko pa naman kaibigan na rin ang turing sa akin... hindi pala..."

Kung ginto lang lahat ng luha natin sigurado akong mayayaman na tayo. Worth it 'yong iyak ko kung sakali mang ginto ang lalabas.

Pati mahal ko, nagawa akong ganituhin. Dapat hindi ko na lang ibinigay ang lahat ng pagmamahal na meron ako, ako tuloy ang ubos.

Galing-galing mag-advice tapos sa sarili hindi magawang ma-applied? Kung kaya ko lang gawin ang mga 'yon baka may iba na ako ngayon at nakamove on na.

Humikbi ako habang nakatingin lang sa kisame. Huminga ako nang malalim para pigilan ang pag-iyak.

Umayos ako ng higa nang may kumatok sa kwarto ko. Inalis ko ang luha ko sa mata ko at tumingin kung sino 'yon.

Si Kuya, Papa, at Darius nakatayo sa pinto, diretso lang ang tingin nila sa akin bago lumapit sa kama. Naupo sila sa magkabilang gilid ko. Si Papa naman nakatayo lang sa gilid ng kama.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now