Chapter 33

24.5K 608 105
                                    

Chapter 33: Pet

Nakatingin ako ngayon sa test paper ko. Paulit-ulit kong binasa ang problem pero hindi ko talaga makuha ang gagawin. Nababaliw na ako dito sa kinauupuan ko kakaisip ng problemang hindi ko naman ginawa. Last subject na 'to kaya lunch time na mamaya, ang alam ko rin ay maaga ang uwi, 2 PM kaya ang saya na naman nila.

Math... math... mathangina!

Bwisit na math. Ang hilig kasing ng problema sa tao tapos kung kani-kanino ipaparesolba pati ako dinamay kaya I hate math, e.

Sana naman ginawa na lang nilang, 1+1, at least 'yon basic lang! Ito ang hirap, wala pang multiple choices.

Naiiyak ako. Gumagaling lang ako sa math kapag bilangan ng pera at hatian.

Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Oo nga pala, bumalik na ako sa una kong pwesto, maganda kasi ang view rito at the same time pwede ka rin magdrama habang pinapatugtog ang kanta ni Moira.

Hays, buti pa ang mga kaklase ko, nakasagot na, samantalang ako hindi pa. Naka one-seat apart kasi kaming lahat kaya hindi rin nila magawang mag-kopyahan pero nagawa nilang makasagot.

Mas gusto kong subject ay science dahil gusto kong mag-doctor at malaman ang Anatomy ng mga tao. Wala lang, trip ko lang—hindi, pangarap ko talaga ang maging Doctor.

Sobrang tahimik ng mga 'to, 'yong tweet-tweet lang ng mga ibon ang naririnig namin. Nilabas ko ang kamay ko sa bintana kaya may dumapong dalawang ibon sa kamay ko.

Kinuha ko 'yon at pinatong sa desk ko. Hala, may pilay 'yong isa! 'Yong isa naman may sugat din. Ano kayang nangyari sa kanila?

"May pilay ka," dahan dahan kong inangat ang paa niya kaso napa 'tweet' siya.

Nasaktan siguro.

Kinuha ko ang bag ko para kunin ang maning binili namin kanina sa cafeteria. Dinurog ko 'yon at dahan dahang nilagay sa bibig nila. Teka, kumakain ba sila ng mani? Hayaan na nga, nagugustuhan naman nila, e.

Kulay puti silang dalawa kaya halata ang mga sugat nila. Buti na lang may extra akong panyo sa bag. Gumawa ako ng pa box na style sa panyo at doon sila nilagay.

Natigil ako. Gago, nag-e-exam nga pala ako.

Number 27 pa lang ako hanggang 60 item ang test tapos puro solve pa.

Napakamot ako sa ulo.

Papainumin ko muna sila ng tubig, saglit lang 'to. Tiningnan ko ang Teacher sa harap nakatalikod siya at may ginagawa kaya humarap ako kay Phoenix na pinapanood pala ang ginawa ko. Pinatong ko si tweety at tweet sa harap niya.

"What—" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Shh... bibili lang akong tubig," ngumiti ako.

"Aren't you done?"

Umiling ako. "Mamaya na lang baka nabubulunan na sila."

"Bird than exam, huh?" Hinaplos niya ang ibon.

Hindi ko na siya pinansin, nagtaas ako ng kamay nang humarap ang Teacher.

"Do you need anything?"

May I go out?" tanong ko.

Tumango naman siya. "5 minutes, and after you back, you all pass the paper finish or not finish."

Shit, mabilis akong tumango.

Lumabas din siya dahil tinawag siya ni Ms. Catalina, nakangiti naman siyang lumapit. Tumango at ngumisi si Ms. Catalina sa akin nang lumabas ako at nagmadali. May sinabi siya pero hindi ko na pinansin.

The Girl in Worst Section (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt