Chapter 125

14.5K 388 37
                                    

Chapter 125: Never

Napabangon ako nang wala sa oras dahil sa cellphone. Ang lakas ba naman? Mas nauna pang tumunog ang tawag kaysa sa alarm clock ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Pangalan ni Laureen ang lumabas sa screen. Mukhang alam ko na kung bakit, ha? Sinagot ko ang tawag. Pero sana naman ay maya-maya na lang siya tumawag.

Inaantok pa ako. Sikat na sikat na ang araw sa labas.

"Hello?" Humikab pa ako dahil sa antok. Sinilip ko ang oras wall clock at 9 AM na. Napa-unat pa ako ng katawan nang mahiga ulit sa kama. Pumikit ako habang pinapakinggan ang mga sasabihin niya.

"[Fuck, Darlene!]" Pag-tili niya kaya napamulat ako ng mata nang wala sa oras.

"Ano na naman ba?" Napailing ako at napangiti dahil sa paraan ng pag-tili niya. Nakita o alam na niya siguro. Wait... 4 PM na pala sa Pilipinas, ibig sabihin tapos na ang klase nila. Nasaan naman kaya ito? Paniguradong gumigimik na naman.

"[Did I wake you up?]" Tanong niya. Ay, wow naman.

"Hindi ba obvious? Kakagising ko lang, Laureen." Napahikab na naman ako. "Ano ba 'yon? Dapat mamaya ka na lang tumawag... natutulog pa ako. Istorbo ka. Tutulog ang tao, e."

"[Shit ka!]" Biglaan sabi niya.

"Maka-shit ka naman." Sana tinext niya na lang ako para sabihin na shit ako tutal alam ko naman 'yon.

"[Sorry!]" aniya. "[I want to ask something!]"

"Teka lang, Laureen, ha?" Sabi ko. Tumayo ako dahil panay ang katok sa labas. "Katok ng katok naman 'to! Ano bang problema mo, ha?" Tanong ko kay Darius.

"Ikaw na nga ang ginigising!" Umirap siya. "Kakausapin mo raw siya ngayon. Lagot ka. Kekwestyunin ka kung bakit mo tinanggihan ang pagiging Reyna."

Kinabahan naman ako.

"Oh, talaga ba? Share mo lang sa pagong," sabi ko na ikinatawa ni Darius. "Lumayas ka na nga dito."

"Mama-aray!" Mahina ko lang naman siyang binatukan.

"Isusumbong kita Mel, sasabihin ko na sana bastedin ka." si Melanie ang taong nagka-crush kay Darius. Isa rin Prinsesa ang babaeng 'yon at talagang may gusto kay Darius, hindi na pala basta crush lang. Ramdam ko na noong una pa lang, manhid lang 'tong kapatid ko.

Buti pa ako hindi manhid! Alam ko agad kung may nagkakagusto sa akin o wala.

"Wala akong pakialam. Hindi ko nga 'yon gusto. Mel isn't my type."

"Ay... nakalimutan kong nasa langit na pala ang type mo," sabi ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. "Biro lang. Hindi ka naman mabiro, para naman akong others kapatid." Tinawanan ko siya. "Susunod na lang ako sa baba." Sinara ko ang pinto.

Mag-aayos pa ako bago bumaba.

"[Tapos na ba kayong mag-away ni Darius?]" Kausap ko nga pala si Laureen. Nakalimutan ko na.

"[I saw your video noong kasama ko si Gavin at ang friends natin sa mall! I really thought that you would accept it. Si Nix ba ang tinutukoy mo?]"

"Secret," sagot ko kaya rinig ko agad ang reklamo niya. Tanong-tanong pa alam naman na 'Oo' ang sagot. Obvious na, e.

"[Damot! Ikaw, ha! Love mo talaga si Nix-Aray! Sino ang bumatok sa akin?!]" Hindi siya mag-isa! "[Si Gavin!-Sasampalin na kita, tigilan mo ako, Gavin, ha!]" dinig kong sabi ni Laureen. "[By the way, Darlene, who ''yong kakausapin mo?]"

"Ah... si Queen great grandmother ko 'yon. Mataray kasi 'yon, according to Darius. Kekwestyunin niya kung bakit ko tinanggihan. Siya lang yata ang hindi ko kayang gaguhin baka mapagaya pa ako kay Margaret na laging nakukulong." Napailing ako nang maalala ang kinwento ni Margaret. Lagi siyang nakukulong pero nakakalabas rin dahil sa lalaki daw na tumutulong sa kaniya kaso may halong panggagago kaya ang ending nagbabangayan silang dalawa.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now