Chapter 128

16.7K 401 34
                                    

Chapter 128: Purpose

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang papunta kami sa resto nitong lalaking katabi ko.

Napapansin ko namang tumitingin siya sa akin tuwing tumitigil kami dahil sa traffic. Wala rin nagsasalita sa aming dalawa. Nabibingi na rin ako sa sobrang katahimikan kanina. Mabuti na lang may kantang nagsisilbing ingay! Kaso halatang nananadya.

Bakit ba kasi ang traffic?

Nagugutom na talaga ako! Gusto ko ng kumain! Minsan nga makapagbaon ng snacks bago pumasok para hindi na ako nagugutom. Para kumakain ako habang nagkaklase. Kasalanan rin ni Darius kung bakit hindi ako nakakain! Masyado kasing nagmamamadali, tingnan mo gutom rin siya.

Saka, 'di ba 'yong crinkles sa akin? Kinain ni Darius! Kinain nilang lahat! Wala man lang natira para sa akin! Ay mayroon pala! Iyong powder ng crinkles ang natira sa akin. Ako pa pinagtapon, ha?

Habang traffic may kumatok sa bintana sa tabi ko. Binaba ko ang bintana at tumingin sa bata. May dala siyang basket at puro red rose ang laman.

"Bili na po kayong bulaklak para po sa Valentines."

"Valentines... valentines. Matagal pa 'yon," sagot ko. "Malalanta lang 'yang bulaklak na 'yan."

"Ang bitter niyo naman po. Hindi naman po kayo 'yong kausap ko, e. Siya po." Tinuro niya si Phoenix. "Bili na po kayo."

Ay... masyado akong epal sa part na 'yon.

"Ah... gano'n ba... okay." Nakakahiya.

Nakarinig naman ako nang pagtawa sa tabi kaya hindi ko napigilan ang mapalingon sa kaniya.

"What? Sagot ka kasi nang sagot. Hindi naman pala ikaw ang kinakausap."

Inirapan ko siya bago umayos ng upo. Tumingin ako sa bata nang magsalita siya.

"Bili na po kayo, Sir, para po sa girlfriend niyo," ngumiti pa siya.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig. Hindi niya ako girlfriend! Noon 'yon, hindi na ngayon! Dati lang! Dati!

"She's not my girlfriend..." sagot ni Phoenix.

Bakit ako masasaktan? Hindi naman niya talaga ako girlfriend? Hindi na lang ako nagsalita at na nanahimik na lang. Ayokong marinig ang boses niya. Gusto ko na talagang kumain.

"Because she's my wife," dagdag niya.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Tanginang 'yan.

"Ah... okay po kahit hindi halata na asawa niyo siya," tumango-tango 'yong bata.

Bigla namang tumawa si Phoenix sa sinabi ng bata. Nakatingin lang naman ako sa bata, mas lalo siyang tumawa.

"Bili na po kayo para sa asawa niyo," sabi ulit ng bata. "Ano po bang pangalan ng asawa niyo po?"

"She's Darlene. She's beautiful right? She's only mine."

Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumigaw rito. Tangina, kalmahan niyo lang naman. Isa lang ako, oh! Isa-isa lang, baka atakihin ako dito kahit wala akong sakit sa puso.

"Ang ganda nga po. Kapag walang mukha."

"Ano ba naman 'yan!" Sabi ko sa bata kaya tumawa.

"Biro lang po."

Rinig ko pa ang tawa ni Phoenix bago magsalita. "Give me one." Nagbigay naman ang bata ng isa at binayaran siya ni Phoenix kaya nakaalis na rin agad ang bata.

Umandar na rin ang sasakyan nang mawala ang traffic.

"For you..." Binigay niya sa akin ang bulaklak.

Dumapo ang paningin ko sa bulaklak na nasa harapan ko. Dahan-dahan kong kinuha sa kamay niya ang bulaklak. Iniwas ko ang mukha ko nang tumingin siya sa direction ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now