Chapter 15

31.5K 760 232
                                    

Chapter 15: President

Lunes na naman! Ang araw na pinaka-ayaw ko.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad dahil maagang umalis si Papa at Kuya sa bahay. May kikitain daw silang importanteng tao. Maaga rin akong umalis sa bahay para hindi mahuli kasi maglalakad nga lang ako. Hindi man lang kasi ako binigyan kahit ten pesos pang jeep. Wala kasi akong barya puro buo.

Alam niyo? Syempre hindi, nagbabasa lang naman kayo, eh.

Kidding aside muna hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga naging reaksyon nila noong sabado at hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng kasagutan sa mga tanong ko. Sinubukan kong magtanong kaso pilit nilang iniiwas kaya wala akong nagawa.

Kahapon naman ay linggo. Wala sila sa bahay kahapon. At umalis rin ako noon kaso nasundan ako ni Phoenix kaya ang ending magkasama kami kahapon sa mall. Hindi 'yon date, ha! At saka, may picture kami sa photo booth sa timezone. Nasa kaniya ang picture, mayroon rin ako. Nasa likod ng ID ko kung nasaan ang picture ko.

Naglaro rin kami ng air hockey table at iba pa.

"Ang bobo naman, Velasquez." Tinawanan ko siya.

"Wow... look at my score," inirapan niya ako.

Lamang siya noong una pero natalo ko siya. Tinawanan ko lang siya bago yayain ulit siyang maglaro.

Platinum card ang binili niya kaya marami kaming nalaro sa timezone. Tapos... nilibre niya ako sa Chanel. Yaman nga, e. Ang sabi ko, ayoko. Hindi lang Chanel, pati na rin LV.

Nakatabi lang 'yon sa closet ko. Nagtanong pa si Papa kung kanino galing, ang sabi ko kay Phoenix.

At oo nga pala wala na ang mga sugat ko sa mukha! Kaya pwede na akong humarap kay Laureen a.k.a Ronald Mcdonald. Hindi ko rin maintindihan sa babaeng 'yon kung bakit lakas magalit sa akin.

Like, papansin ka, girl?

Well, ito ah, maganda naman siya. At bagay naman sa kaniya ang pagiging mataray.

Nag-angat ako ng tingin sa langit. Mukhang uulan pa yata. Wala akong dalang payong. Kamalasan nga naman. Unti-unting pumatak ang ilang malaking butil ng ulan sa uniform ko. Maliligo na nga lang ako sa ulan, medyo malakas na siya pero keri lang 'yan! May uniform ako sa locker.

Tinakpan ko ang mukha ko dahil nabasa at wala akong makita dahil sa ulan. Binuka ko pa ang dalawang kamay ko para maramdaman ang patak ng ulan. Hindi ko maalala kung kailan ako naligo sa ulan o naligo nga ba talaga ako. Hindi kasi pinapalabas ng bahay noon, e. Kahit noong na kay Lola ako, hindi niya ako pinapalabas pero nakakatakas naman ako.

Mas lalong lumakas ang ulan kaya mas lalong nabasa ang uniform ko. Pati ang pang-ilalim kong damit ay basa na. Mabuti na lang nasa pinaka-ilalim ng bag ko ang cellphone ko.

May bumusina mula sa likod ko kaya nilingon ko kung sino 'yon at pagmumukha ni Phoenix ang nakita ko. Salubong ang kilay niya nang ibaba ang bintana ng kotse niya.

"What the heck? Sakit ba ang hanap mo? Ang lakas-lakas ng ulan, oh!" Binuksan niya ang pinto ng kotse niya. "Get in," utos niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"I said, get in!" Ulit niya.

"Kapag nabasa ang sasakyan mo, hindi ko kasalanan, ah?" Pumasok naman ako sa loob.

"Oo na kaysa naman pabayaan kitang naliligo diyan," sagot niya.

Mabait rin naman pala ang timang na 'to.

"Wow, ang bait mo naman."

Umirap siya, walang balak mag-salita. May kinuha siya sa back seat na pamunas at binigay sa akin. "Here, wipe yourself." Hininaan niya ang aircon.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now