Chapter 109

16.9K 386 78
                                    

Chapter 109: Princess

Napamulat ako ng mata nang tumunog ang cellphone ko. Nakatulog na pala ako sa tabi ni Phoenix dahil sa kakabantay sa kaniya. Kanina mataas ang lagnat niya pero bumaba na kanina. Akala ko hindi na bababa, eh.

Nakailang punas ako sa kanya para lang bumaba ang lagnat niya. Muntik ko na siyang dalhin sa Hospital nang hindi bumaba, mabuti na lang bumaba na rin.

Inalis ko ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko para makuha ang cellphone. Sinagot ko ang tawag.

"[Darlene, nasaan ka na ba?]" Bungad ni Darius.

Tumingin muna ako sa tabi ko bago tumayo. Kinuha ko na ang susi ng kotse para makauwi na sa bahay.

"[Maybe you forgot, our flight is 12 AM. Magte-twelve na, nasaan ka ba?]"

Shit, oo nga pala. Hay, maiiwan pa ako.

"Pauwi na ako," sagot ko sa mahinang boses para hindi magising si Phoenix. "Teka lang, hintayin niyo naman ako. Excited ka bang umalis, ha? May maghihintay ba sa 'yo, ha?" Hindi rin excited ang family ko.

"[Tss, kinuha mo pa ang susi ng kotse ni Mama. Bilisan mo. Mag-ingat ka pauwi. Baka sa sobrang broken mo baka kung ano ang mangyari sa 'yo.]"

"Hoy, grabe ka. Hindi naman ako sa sobrang gano'n. Grabe ka na sa akin, ha? Parang hindi mo ako kapatid. Nahuhurt ako sa 'yo, Darius-."

"[Stop your drama, Darlene, go home. Galit na galit na si Mama sa 'yo.]"

Binaba na niya ang linya kahit hindi pa ako nakakapagsalita. May masamang ugali ang aking kapatid. Pogi nga, grabe naman siya minsan sa ugali pero loves ko 'yan!

Tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa at palabas na sana kaso si Phoenix natutulog pa. Lumingon ako sa kaniya, natutulog pa rin siya.

Ang hirap talagang paniwalaan kung nagsasabi ba siya ng totoo. Lumapit ako at naupo sa tabi niya.

"Mahal pa rin kita. Hindi naman siguro magbabago 'yon. Pero sa ngayon kailangan kong mag-isip kung bibigyan kita ng chance... at mabalik natin 'yong dati." Hinalikan ko siya sa noo. "Mahal pa rin kita kaso ang sakit ng ginawa mo, eh...." mahinang bulong ko. "Hindi ko inakala na kaya mong gawin 'yon sa akin... hindi ko inakala na kaya mo 'kong saktan. Hindi madaling magpatawad..."

Tumayo na ako bago pa siya magising. Lumabas ako sa kwarto niya. Si Tita Grace ang nasalubong ko nang makababa ako.

"Uuwi ka na ba?"

"Opo, may flight pa po kasi kami," sagot ko.

Naguluhan naman siya sa sinabi ko. "Flight? Para saan?"

"Sa Spain po ang punta namin pero pupunta pa po muna kami sa Australia at London para bisitahin ang mga relatives ni Mama doon. Isang buwan lang naman po kami doon," ngumiti ako.

"Isang buwan? Teka, alam ba 'to Nix?"

Kagad akong umiling. "Hindi po. Huwag niyo na lang po munang sasabihin sa kaniya. Kapag nagising siya... pakisabi po umalis na ako, at saka magpagaling po siya. Bumaba na rin po pala ang lagnat niya dahil sa gamot kaya mamaya po paki-gising siya para po makainom ulit ng gamot." Gusto ko lang magpaalala. Baka kasi hindi na naman siya uminom ng gamot.

"Ano po... Tita... huwag niyo na po munang papasukin si Nix ngayon at bukas para makapagpahinga po siya ng maayos. Huwag niyo rin po munang bubuksan ang aircon para po hindi siya lamigin, kanina po kasi nilalamig kaya pinatay ko. At isa pa po, kapag hinanap niya po ako, huwag niyo pong sasabihin, ah? Babalik din naman po ako kaagad."

Halatang ayaw niya sa desisyon ko pero tumango na lang siya. "Sige... mag-iingat ka," ngumiti siya.

Tumango ako at ngumiti rin sa kanya bago bumaba. Sinilip ko pa sina Phoebe bago mag-diretso.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now