Chapter 64

20.9K 515 143
                                    

Chapter 64: Tradition

Hindi ako makagalaw nang marinig ko ang boses ni Phoenix. Nandito pala siya!Kanina pa yata siya nandito. Hala, narinig niya ang huling sinabi ko. Napatayo tuloy ako nang maayos dahil sa biglaan niyang pagsulpot.

"What? I'm asking you," aniya kaya napakurap ako.

"A-Ano ba 'yon?" Bigla akong nautal. Hindi ako makahinga nang maayos. Mawawalan yata ako ng hininga.

"Do you love me too?" Tinitigan niya ako.

Huh? Anong ibig niyang sabihin sa too?  "Ha? Ano?"

Bumuga siya ng hangin bago lumapit sa akin. Balak ko sanang umatras kaso nahuli niya ang isang kamay ko.

"Yes, too," sagot niya. "I am asking if mahal mo rin ako, because if you're going to ask me if I love you, my answer is a yes. You know what, Miranda? You are not difficult to love."

Pero ang sabi sa akin noon ni Jude, mahirap akong mahalin dahil sa ugali ko pero nagawa niya akong mahalin... at yuck dahil nabanggit ko pa ang bwisit na 'yon!

"I noticed that when I'm with you everyday and time by time. I noticed that I am happy whenever I'm with you, I thought I was just attracted to you because I used to being with you all the time but I was wrong. Akala ko trip ko lang na sakyan lahat ng banat mo pero hindi pala dahil gusto ko ng maging totoo lahat 'yon."

Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Ni hindi ko magawang makahinga ng maayos dahil sa sinabi niya. Ano ba 'tong mga sinasabi niya?

"Tangina, iniisip ko nga baka nahulog na ako sa mga banat mo."

Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa sinabi niya.

"Please, stop laughing," saway niya. "But, I guess, I fall for your words."

"Akalain mo 'yon? Hindi ko inakalang mahuhulog ka sa 'kin!" Umayos ako ng tayo. "Hindi na, promise!"

"I asked Dash what's the feeling if you are in love, he said, you can't sleep without thinking of her, you want the best for her, you want to make her safe, you can't stop thinking about her, you always want her, you always want to be with her, you always pray for her to god, eh, lagi kaya kitang ipinagdadasal."

Hala, bakit ako nagiging emotional?

"I always pray for you... Miranda. Because that's what my Mom wants also when she's alive. If I love the person, she said, I should pray for her everyday to make your life safe everyday, so I did."

Hala, kaya pala may mini Altar sa kwarto niya. At minsan ko na rin nakita ang rosary sa wallet niya.

"Especially if something is happening to you. You're always making me damn worried, Darlene. You're the only person who always makes me damn worried. You're the only one who making me damn crazy. Sa 'yo ko lang nararanasan ang ibang happiness, Darlene. You are my happiness. Darlene, I am in love with you..."

Hindi ako nakapagsalita. Agaran niya lang akong hinila para sa isang yakap. Binaon niya ang mukha sa leeg ko. Inangat ko ang kamay para yakapin siya pabalik.

"I really can't forget our dance, Miranda. Ikaw ang unang babaeng isinayaw ko sa buong buhay ko. Hindi ko naman inakalang mamahalin ko pala ang babaeng isinayaw ko."

Napasinghap ako.

"Mahal na mahal kita, Darlene."

Masaya rin ako kapag kasama ka, Phoenix. Iyong akala kong crush lang ay may mas lalalim pa pala.

"That's why I'm asking you. If you love me too?" Mahinahong tanong niya. "I know, you're crying." Bumitiw siya sa akin saka pinaalis ang luha sa mata ko. "Stop crying, I don't want to see you cry."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now