Chapter 4

35.5K 877 91
                                    

Chapter 4: Lunch

Finally, lunch break na. Walang tigil sa pag-daldal kanina si Dash. Marami siyang tinanong na hindi ko sinagot. 'Yong iba lang. At syempre hindi ko sinabi kung bakit ako na expelled.

Ang akala niya rin ay para akong anghel pero ang totoo demonyita ako. Wait, hindi ba niya narinig ang bardagulan namin ng lalaki na may berdeng mata kanina? Walang tigil sa panti-trip ang lalaking 'yon! Nananahimik na ako pero hindi pa rin siya tumitigil.

Si Phoenix ang parang boss nila dito, I mean, sa paraan kasi ng kilos at salita nito ay parang batas! Naiinis talaga ako tuwing naaalala ang pambibwisit no'n.

Mga close o kaklase lang namin ang tumatawag sa kaniya ng 'Nix'. Hindi naman ako feeling close para tawagin siya noon. Siya nga itong feeling close.

Habang nagsusulat kanina dinig kong kakain sila sa labas pero wala akong pakialam. Hindi raw nila gusto ang pagkain sa cafeteria, lasang pagkain sa hospital. Sawang sawa na daw sila doon. Palagi sigurong nao-ospital ang mga lalaki na 'to kaya alam ang lasa ng pagkain doon.

Dinig ko rin na wala silang balak akong isama. Pakialam ko naman? May pagkain akong sarili, ide-deliver pa nga lang. Hindi nga lang ako sure kung pwede ba magpasok ng hindi estudyante rito.

Napakaarte. Mabulunan sana sila habang kumakain.

"Gutom na ako..." Narinig kong sabi nila.

"Palagi ka namang gutom," sabat ng isa kaya malakas nabatok ang natanggap niya kay Renz? Hindi ko sure kung 'yon nga ang name niya.

Hindi ko pa kabisado ang mga pangalan nila. Hindi ko talaga makabisado. At kanina nag-tweet ako sa Twitter ko tungkol kay Phoenix.

"Libre niyo 'to, ah?" Ginawang toothpick ni Harvey ang stick ng lollipop.

Ngumiwi ako. Kanina pa 'yon ah? Kadiri. . . baka may tinga na 'yon.

Ew.

Tumunog ang phone ko hudyat na may nag-text. Si Papa kong dragon. Tumigil ako sa pagsulat at kinuha ang phone ko sa bulsa.

From: Father Dragon
How's your first day?

Wow, himala nagtanong siya. Hindi niya kasi tinatanong ang mga araw ko basta pumapasok ako at nag-aaral, ayos na sa kaniya.

Ang tanong... nag-aaral nga ba ako?

To: Father Dragon
Hindi ayos, Pa. Deputa kasi 'tong Velasquez na 'to lakas manggago. Kaasar.

Nakaupo pa rin ako sa upuan ko habang nakapatong ang isa kong paa sa upuan ni Dash. Nasa harapan siya ngayon at nangongolekta ng mga papel na pinagbabato sa akin kanina. Tiningnan ko siya na pumunta sa pwesto ni Harvey.

Kunot ang noo ko nang makitang humikab si Harvey at Dash naman ay nilagay ang papel sa bibig niya. Agad na nandiri ang mukha ko sa nakita.

Yuck.

"Pakeng shit ka, Dash! Kadiri! Sa baba 'yan nanggaling tapos ilalagay mo sa bibig ko?!" Sigaw niya habang pinupunasan ang bibig gamit ang dalawang palad.

Para namang tangang tumawa si Dash at tinaas ang gitnang daliri. "Ulol. Kinuha mo 'yong lollipop ko! Parusa ko sa 'yo 'yan!"

Napatingin ako sa phone ko nang mag-beep.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now