Chapter 87

17.4K 438 116
                                    

Chapter 87: What if

Kanina pa nagpa-party ang mga tao. Si Katherine lang ang kasama ko dahil hindi ko rin makita ang dalawang kapatid ko. At kanina ko pa rin gusto umalis. Gusto ko sa bibi ko.

"I want to leave here," bulong ni Katherine.

Nagku-kumustahan lang naman kami. Natural na nangyayari tuwing nagkikita ang buong pamilya!

"How about you, Lin? Do you have a boyfriend?" tanong ng asawa ni Tito Darwin.

"Mayroon po..." kaso wala rito, hindi ko mahanap-hanap.

"Oh my god, really? Who?" interesadong tanong ni Katherine.

"Si-" Naputol ang sinasabi ko nang may tumawag sa akin.

"Darlene!" Boses 'yon ni Gianna.

Lumingon ako at nakita ko naman siya na naglalakad. In fairness, bagay kay Gianna ang suot niya ngayon. Nginitian ko siya.

Binalik ko ang tingin sa asawa ni Tito Darwin. "I have to go po. My friend is here," ngumiti ako. "Excuse me." In-excuse ko na ang sarili ko. Nasa likod ko naman si Katherine. Sinalubong ko si Gianna. "Gianna, nasaan sila?" Tukoy kina Phoenix.

"Nandiyan lang sa tabi-tabi!" Lumipat ang paningin niya sa likod ko. "Sino 'yan?"

"Si Katherine, pinsan ko." Hinila ko si Katherine. "Katherine, si Gianna kaibigan ko."

"Hi," ngiti ni Katherine. "Nice to meet you!"

"Nice to meet you too," ngumiti pabalik si Gianna, nilipat niya ang paningin sa akin. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi pa. Ang dami kasing gustong kumausap sa akin."

Kapag may nadadaanan akong kilala ko o ako ay 'laging gusto ng kwentuhan about my life. Kumustahan gano'n, mula sa mga Tita ko at mga kaibigan ni Kuya. Parang ako na si Mama dahil sa dami ng kakilala ko. Kasama naman ni Darius ang mga pinsan namin. Nandoon ako kanina kaso pinalayas nila ako.

Nandito rin ang kaibigan nila Mama at Papa. Iyong former member ng organization nandito! Which is 'yong parents nila Gianna, except sa parents ni Phoenix kasi nasa heaven na, e, pero nandito naman si Tita Grace at mga kapatid ni Phoenix.

"Hey, little Darlene!" nandito ang kaibigan ni Kuya, si Shion 'ata 'to. "You've grown up, huh?"

"How fuck are you, Shion? Little Darlene tapos you've grown up?" ito pala 'yong Kester. "Fucker."

"Hey, Kes. Stop cursing, look, nasa harap ka ng bata," umiling-iling si Shion. "Anyway, don't mind him, and by the way, naaalala mo pa ba ako? Your brother's one and only best friend," ngisi ni Shion.

"Oo naman, 'di ba ikaw 'yong nagsi-ship kay Kuya noon sa mga babae noong bata ako? Ikaw rin 'yong-"

"Naalala mo nga ako," natawa siya. "Teka, Kester, sumama yata lalo ang timpla ng mukha mo? Nagselos ka ba sa parteng sinabi ko na si Drake lang ang best friend ko?"

Salubong lang ang kilay ni Kester. "You piece of fuck, Shi," aniya. "Excuse me, Lin." Tumingin siya sa akin at umalis.

"Oh, nagselos si Kes," halakhak ni Shion.

Napakamot nalang ako sa noo. Since gutom na rin ako at ang lahat, nagsimula kaming kumain. Dumiretso ako sa table nila Darius, iba ang kay Mama at Papa. Nandoon sila sa mga tropa nila, samahan ng mga tanders 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko matapos maupo. Panay kasi ang tunog.

From: bibi
Babe, I can't see you. Where are you?

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now