Chapter 56

22.3K 601 131
                                    

Chapter 56: Phoenix's Siblings

"Do you want me to call my secretary to buy you a beautiful ring?" Panggagago ni Phoenix habang nasa sasakyan kaming dalawa. "Since, they know that you are my wife. They might be surprised if they see you don't have a ring."

Napasinghap ako. Kanina pa ako napipikon pero hindi ko siya pinapansin kaso nakakairita talaga. Ang lakas talaga mang-inis nito.

"Ano ba?! Titigil ka ba o hindi?!" Naasar na ako, ah!

"Ayaw mo ba maging asawa ko? I know a lot especially the..." Kumindat siya.

Namula ang pisngi ko kasabay nang pag-kabog ng dibdib ko. Hala, nagiging berde na ako. Kanina pa niya ako bini-bwisit about sa kasal-kasal na 'yan! Sana pala nanahimik na lang ako at hindi sinabayan ang mga trip niya, ako tuloy ang natatameme sa mga sinasabi niya.

Ang galing niyang bumanat, hindi ko kinakaya. Halos mawalan ako ng hininga tapos siya ay tawa-tawa lang. Sinusubukan ko namang lumaban kaso tangina talo ako.

Ilantad ba naman sa lahat na asawa niya raw ako, e, hindi naman 'yon totoo.

"Sige na nga, ikaw nalang asawa ko." Suko na ako sa pang-aasar niya. "At least, close na ako sa 'yo. Hindi na ako mahinirapan. Ikaw nalang ang mister ko, Velasquez. Tsaka, may maganda ka pang misis," mapaglaro akong ngumiti.

Sandali siyang natigilan. Namula ang tainga niya bago napaiwas ng tingin.

"So, my bebe loves, saan na tayo pupunta?" Pigil ang tawa ko. "Love, saan tayo?"

"Fuck," may diin sa mura niya. "Drop that damn endearment, Darlene. And please, don't say a word... your words are attractive, damn it."

Kahit gusto kong tumawa ay pinigilan ko. "Alin ba? Iyong love, ba? Wait, ano ang gusto mong endearment, love? Baby, hon, mahal—" Hindi ko natapos ang sinasabi dahil sa ginawa niya.

Napasandal ako nang angkinin niya ang labi ko. Tinanggal niya ang pagkakabit ng seatbealts ko at marahan na hinalikan ang labi ko. Hawak niya baba ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa bawat galaw niya ng labi.

Nabitiwan ko si Lucy dahil sa ginawa niya. Mas lalo yatang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ibang-iba ang halik na ginagawa niya kumpara sa una. Kung noon ay puro damping halik lang ang ginagawa niya ngayon ay ibang-iba. Kinagat niya ang ibabang labi ko pero wala man lang akong naramdamang sakit sa ginawa niya.

Tumahol si Lucy kasabay nang pagbusina ng sasakyan sa likod namin. Sunod-sunod na busina ang narinig ko bago siya bumitiw sa labi ko. Masama ang tingin niya sa side mirror.

Tangina, green light na pala kaya sila busina ng busina.

Lumingon siya sa akin bago paandarin ang sasakyan.

Iniwas ko ang tingin ko at maayos na binuhat si Lucy. Nakatingin si Lucy sa akin at humiga sa braso ko. Sorry, baby, nabitiwan kita, ito kasing tatay mo, e. Hinalikan ako. Sinubukan ko namang labanan kaso talagang malas lang ako.

Hindi ko ma-imagine, nagawa kong humalik pabalik. Nagawa ko pang hilahin siya mas lalo sa akin.

Tangina, tama ka, Darius. Masyadong marupok ang kapatid mo. Nagmana yata ako kay Lola iyon. Pucha, may bago ng magmamana sa kaniyang trono at ako 'yon.

"Why are you not talking?" Tanong niya na parang hindi alam ang dahilan.

"W-Wala..." bulong ko.

Ang awkward ng atmosphere. Hindi ko alam kung paano ko siya tatratuhin.

"I really like your lips, Miranda. I love candy but I preferred your lips 'cause it was sweet like candy."

Parang mag-susugat na nga ang labi ko sa ginagawa kong pag-kagat. Kung sa akin candy na sweet sa kaniya mint.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now