Chapter 51

20.1K 573 154
                                    

Chapter 51: The Red-haired Girl

Hindi ko mapigilan ang panginginig dahil sa mga lalaki rito. Kanina pa kalampag nang kalampag ng salamin. Akala mo sila bumili ng kotse, ampucha. Ipalunok ko sa kanila ang mga bala nila, eh.

"Tangina. Tangina. Tangina." Mabilis akong nag-dial. "Sagutin mo, Darius. Please. Tangina. Putangina. Mamamatay ang kapatid mo rito."

Number lang ni Darius ang alam ko buti na lang at naka-registered ang number ni Darius sa cellphone nitong si Phoenix.

"[What now, Velasquez?]" Bungad niya.

"Darius ako 'to. Huwag ka munang magsalita, makinig ka muna sa akin. Magkasama kaming dalawa ni Phoenix ngayon at may humabol sa amin. Marami sila. Akala ko nakatakas na kaming dalawa kaso hindi kaya nandito sila mismo sa harapan ko at hawak nila si Phoenix. Pumunta kayo rito, ang dami nila. I-track mo ako, nakabukas ang tracking device ng cellphone ko. Ayaw kong makuha, Darius. Papatayin nila ako, putangina. Ayaw mo rin naman akong makuha nila, 'di ba—" Naputol ang sunod na sasabihin ko dahil nakarinig ako nang putok ng baril.

"[Alright, baby, stay with Phoenix. Papunta na kami diya—]" Biglang namatay ang tawag.

Nakarinig ako nang pagputok bago i-diretso sa akin ang baril kahit nakasara ang bintana.

Inayos ko ang sarili ko at tumingin sa labas. Tinted kasi ang sasakyan kaya hindi niya ako kita. Kinuha ko ang dalawang baril at inipit sa bewang ko. Naglagay rin ako ng extrang bala sa bulsa ng palda ko. Tangina, wala na akong choice kung hindi ang ilagay rito. Wala akong mapapaglagyan. Ayaw ko pa rin naman mamatay.

Tinakpan ko ng uniform ang baril at dahan-dahang lumabas. Namumuo ang pawis sa noo ko habang isa-isa nila akong tinitignan. Ang hirap talaga kapag maganda lagi na lang hinahabol. Ibang klase talaga ang gandang taglay ko.

"Tangina, ano ba kasing kailangan niyo?" Tanong ko kahit parang kakapusin na ako ng hininga sa kaba.

Kumunot ang noo nila.

"We don't speak Filipino. Speak English," utos niya.

"Tangina, ginawa pa akong utusan," sabi ko kaya mas lalong kumunot ang noo niya bago itutok sa ulo ko ang baril.

Tumikhim ako. "I was just kidding," bawi ko. "What do you want? You want my father's money? Then go to him not to me, I don't have money for fuck sake."

"We don't care about your father's money. We all want your sign," sagot niya at mas lalong diniinan ang baril sa ulo ko.

"For what? You know, I really don't have a permanent sign. Kasi when I was young, I don't know what sign is kaya guri-guri na lang ang ginagawa ko. Like you know, ganito." Ginawa ko pa sa hangin kaya nakarinig ako nang kasa ng baril. "I was just kidding."

Hindi nila maintindihan ang sinabi ko.

"Pero guys believe me! I don't have permanent sign kaya sayang lang! Gusto niya kahit guri-guri na lang? Okay na ba 'yon sa inyo?" Tanong ko.

Sige, magmukha lang kayong tanga kakaisip diyan kung ano-ano mga pinagsasabi ko.

"Damn it, Miranda." Tumingin sa akin si Phoenix na ngayon ay may pasa sa labi. "Stop joking!"

Hindi ko man lang nakita ang pagkakasuntok sa kaniya. Grabe talaga. Ang bilis amp.

"Ano ang magagawa ko?! Eh, umaandar ang pagiging maloko ko?!" Tanong ko.

Hinawakan ng lalaki ang dalawang kamay ko.

"You want to die this man?" Tanong ng singkit ang mata at tinutok ang baril kay Phoenix. "I can kill him right now."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now