Chapter 129

16.7K 368 9
                                    

Chapter 129: Hang out

Nakatingin lang kaming lahat kay Papa dahil sa sinabi niya. Ano ang pinagsasabi ni Papa na purpose?

"Paanong may purpose?" Tanong ko. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit.

"I know your life is always in danger and to make sure your life is safe, I transferred you to SHS where Phoenix and others are studying. I know they can protect you because I know also that they can ensure your safety."

"Ibig sabihin... plano mo na 'to matagal na?" Tanong ni Darius.

Tumango si Papa. "Yeah, this is my plan. Since I can't look for Darlene because I'm too busy with the company and the Organization. I took the chance when my Mother died and to be honest Darlene's previous School didn't agree that she was expelled but I said yes."

"Pero ang sinabi no'n! Wala na silang choice pero ang i-expel ako tapos ganito malalaman ko?"

"I was there. The Principal decision changed but Papa's didn't," sambit ni Kuya.

Hindi man lang sinabi sa akin ang plano niya! Kaya pala hook na hook akong dalhin sa Manila. Actually, noon hindi ko talaga alam na gusto akong madeads. Kaya rin pala ako may mga bodyguards noong bata ako dahil sa kanila!

"So, that means... the paper you gave to me is her enrollment papers?" Tanong ni Phoenix.

"Yeah." Tango ni Papa. "It was her papers. Alam kong delikado ang buhay niya kaya kapag kasama niyo alam ko rin na hindi niyo siya hahayaan na mawala and it happened."

"Angas mo naman, Papa. Bakit hindi mo sa akin sinabi?"

"Because I thought you remembered Phoenix. He was invited on your eighteenth birthday, even seventeen then you didn't remember him? And you two met on your field trip kaya ang akala ko naalala mo siya."

"Mahina ako pagdating sa mga ganiyan," ulit ko sa sinabi ko kanina. Totoo kaya 'yon, tingnan mo ngayon ko lang nalaman na invited pala sa six birthday ko si Phoenix at nakausap ko pa, ha?

Saka akala ko wala lang ang pag-lipat ko dito sa Manila. "Pero bakit hindi sa GFS kung saan nag-aaral ang timang na 'to?" Turo ko kay Darius.

"What the freak."

Tinawanan ko lang si Darius. "Pero bakit nga?"

"Because I want Phoenix and Darlene to meet," sagot ni Papa.

Anak ng... "Put..." Kinagat ko ang ibabang labi para hindi na magmura. Daig pa president ng fans club, ha? Gawa kaya siya fans club? Ang pangalan 'Darnix'.

Gusto kong tumawa nang malakas dahil sa naiisip ko.

"Darlene, kwento ka nga ng childhood mo! Sino ang naging crush mo at mga pinaggagawa mo noon," sabi ni Finn.

"Maka-request ka naman... hindi ko na 'yon maalala. Ang tagal na no'n, eh," ngiwi ko.

"Kahit konti lang!" Pilit ni JP.

"Ito na lang... ano ang madalas mong gawin noon?" Tanong ni Gianna.

"Ano..." Ano ba? "Palagi kong tinataguan ang yaya ko kasi ayokong pumasok sa School. Tinatamad kasi akong pumasok."

"You and Darius are just the same," sabi ni Mama.

"Nakakatamad pumasok," sabay na sabi namin ni Darius.

"Gaya-gaya..." Ampucha, sabay na naman kaming nagsalita.

Napailing si Mama.

"Sino ang naging crush mo noon?" Tanong ni Dash.

"Simula grade school hanggang ngayon," dagdag ni Harris.

"Wala. Wala naman akong naging crush... ay mayroon pala," sagot ko at tinuro si Phoenix. "Siya pala crush ko dati." Totoong crush ko si Phoenix! Crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Hehe. Pero may nagkacrush din sa akin pero wala akong pakialam... palagi pa nga nila akong inaasar sa nagkaka-crush sa akin pero wala pa rin akong pakialam.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now