Chapter 108

17K 416 57
                                    

Chapter 108: Begged

Walang pumapasok na lessons sa utak ko. Hindi ko magawang makinig dahil sa mga iniisip ko. Iniisip ko kasi aalis na kami. Masaya kaya sa Spain? Kalahati ng utak ko... ayaw kong umalis.

Pero ang kalahati ng utak ko sinasabi na tama lang muna 'yon. Iyong isang buwan na hindi namin makikita ang isa't isa. Kung may kinakatakutan pa ako, 'yon ang masaktan ako. Ayokong nasasaktan dahil mahina ako sa gano'n.

Ang Papa at si Kuya Drake, hindi ako hinahayaan na masaktan, eh. Pero siya... si Phoenix, nagawa akong saktan.

Habang minamahal ko siya, hindi pumapasok sa isip ko ang ganoon dahil sa nakikita ko sa kaniya. Dahil totoo siya... pero mali ako, hindi ko alam na may ginagawa na pala siya sa likod ko at hindi lang siya mag-isa, pati ang mga itinuturing kong higit pa sa kaibigan ay gano'n rin.

He didn't cheat, he never cheated pero bakit parang mas masakit 'to? Bakit parang mas nadudurog ako?

Nakatingin lang ako sa labas ng classroom, tulala na nga yata. Wala na rin akong maintindihan sa lesson.

Ramdam na ramdam kong gusto nilang magsalita pero pinipigilan lang nila ang sarili nila. Pinipigilan ko na rin magsalita dahil ayokong makasakit gamit ang salita ko.

Gusto ko silang sigawan at sabihin na hindi ako katulad ng ibang babae.

Ano ba ang akala nila sa akin? Babaeng madaling mahulog sa kama? Madaling magpapadali kay Phoenix? Ibibigay ang sarili kong katawan at kapag nagawa 'yon, titigil na?

Hindi ko inakalang masasabi nila 'yon sa akin. Ang akala ba nila kagaya ako ng babaeng nakikilala nila na puro sarap lang ang hanap?

Paano nila nasisikmurang kasama ako habang may ginagawang kalokohan sa likod ko? Paano nila nagagawang harapin ako sa araw-araw?

Si Phoenix, paano niya nagagawang sabihing mahal niya ako sa araw-araw? Paano niya nagagawang kausapin ako na para bang wala siyang tinatago? Paano niya nagagawang sabihin na gusto niya akong makasama araw-araw gayong niloloko niya ako ng patago.

Lumandas ang luha ko nang sunod sunod. Muntik lang tumulo sa papel ko kaya agad kong pinawi pero ganoon pa rin, patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

"Miss Miranda."

"Bakit po?" Nag-angat ako ng tingin.

"Are you okay? Your eyes were red and teary. Are you crying?"

Hala, nakita niya pala! Nakakahiya... dito pa ako umiiyak sa room.

Umiling ako. "Hindi, nagpapractice lang akong umiyak. Mag-aartista kasi ako."

Tinuon ko na lang ang paningin sa notebook ko kaso tumulo lang ang luha ko sa papel kahit pigilan ko nang ilang beses.

Ramdam kong nakatitig sa likod ko si Phoenix gano'n rin kay Harvey at Arvin.

Hanggang sa matapos ang klase at maglunch tahimik lang ako. Wala akong balak sumabay sa mga taong sumira ng tiwala ko.

"Darlene..." tawag ni Mavis.

"Please lang... hayaan niyo na ako." Hindi ko na napigilan ang umiyak. "Dahil hanggang ngayon, nasa utak ko pa rin lahat-lahat..." nanginig ang boses ko. "... ng ginawa niyo kaya wala kayong karapatan na tawagin ang pangalan ko, dahil sa totoo lang nagagalit ako sa inyong lahat."

"We're... sorry..."

"Ano bang akala mo, Harris?! Isang sorry niyo lang mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?! Isang sorry niyo lang, tapos na kaagad ang sakit?! Sana nga gano'n nalang! Isang sorry niyo lang, sana wala na!" Wala na akong lakas para sumigaw. Pagod na pagod na ako. "Sana isang iyak lang, okay na ako kaso hindi, e. Isang iyak, sakit pa rin talaga."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now