Prologue

84.3K 1.3K 263
                                    

Prologue

Irita ako nang matapos ang away namin ni Iris. Naupo ako habang bakas pa rin ang irita sa mukha. Konti nalang yata ay mauubos na ang pasensiya ko sa kaniya. Pilit akong kumalma nang humarap sa mga kasama ko.


"Tigilan mo na 'yan," awat ni Dash.


Nilingon ko siya. Nasa harap siya ng pinto kasama ang mga kaibigan niya. Inirapan ko siya, walang balak magsalita. Dumukdok ako sa armchair. Napagbintangan ang nanulak sa hagdan, inaakusahan ako ni Iris. Inosente akong tao, ni wala nga akong ginagawang masama sa kaniya.


"Kumain na lang tayo sa cafeteria," yaya ni Trevor.


"Ayaw namin!" sambit ng iba.


Sinasabayan yata nila ang pag-e-emo ko kaya wala silang gana kumain. Pero may gana ako, ah! Nawala lang talaga ako sa mood dahil sa babaeng 'yon.


"Libre ko," dagdag niya.


Kaagad namang tumayo ang mga 'to. "Hindi mo agad sinabi."


Nakadukdok pa rin ako sa armchair ko pero nang mag-angat ako ng tingin. Pare-pareho silang nakatingin sa akin, hinihintay ako.


Nagsulat pa sa whiteboard si Phoenix ng 'Bubuhatin kita kapag hindi ka tumayo d'yan'. Nag-hiyawan naman ang mga hamog na 'to. Para buhatin lang ay naghiyawan na sila.


Padabog akong tumayo at nagtaas ng gitnang daliri sa kaniya. Lumabas na ako at nauna na sa kanila.


Alam kong hindi nila gustong makita si Iris. Pero ito naman na babaeng 'to, papansin. Alam naman niyang ayaw siyang kausapin pero patuloy pa rin siya.


Sumunod sila sa akin. Nasa magkabilang gilid ko si Phoenix at Trevor samantalang ang mga gunggong ay nasa likuran namin. Panay ang pa-cute sa mga ibang estudyante. Ito namang mga babaeng 'to ay panay ang kilig, hindi nila alam babaero ang mga 'to. Para tuloy akong may bodyguards na makapal ang mukha. Sa bagay... mga makakapal nga pala ang face nila. Lalo na si Dice at Owen! Parang may bagyo parati kapag nagsasalita silang dalawa!


Pumasok ako sa cafeteria nila. Napatingin pa ang ibang estudyante sa amin pero hindi namin pinansin at nagtuloy tuloy na lang, ako ang Reyna, biro lang. Kumaway si Laureen nang makita niya kami. Kasama niya si Patricia, isa sa mga kaibigan ko.


Nauna sila Trevor para humanap ng table. Nahuli kaming dalawa sa likod ni Phoenix.


"Fix your face." Hinila ako ni Phoenix palapit sa kaniya. "Smile a bit."


Plastic akong ngumiti. Nakuha niya naman 'yon kaya napairap siya. "Makahila wagas, ah?" Binigay niya ang phone at wallet ko sa akin. "Kumuha ka dito, ano?"


"Na sa 'yo kaya ang card ko." Umirap siya. "Pati ang pera ko na sa 'yo rin."


Ay, oo nga pala.


"Baka lahat ng yaman ko gusto mo rin? Pero sa isang kondisyon, pakasalan mo lang ako."


O, sige! Nasaan ba ang pari?


"Mukha mo," sabi ko at nag-taas ng gitnang daliri sa kaniya, pinitik naman niya ang daliri ko kaya ibinaba ko.


"Stop raising your middle finger, baby."


Nag-salubong nag kilay ko. "Huwag mo nga akong tawaging baby, Velasquez. Sipain kita."


Tumawa naman siya. Naupo na kami sa bakanteng table na nakita nila Trevor. Umalis naman si Dash para bumili ng pagkain, kasama si Gael. Hay, gutom na ako! Nakakapagod naman kasi talaga ang araw na 'to!


"Alam mo, Darlene?" sabad ni Harvey.


"Hindi ko alam," sagot ko.


Napakamot siya sa ulo bago ako kuhaan ng larawan. Pinakyuhan ko siya at sakto namang nakuhaan niya ang itsura ko, agad naman niyang tinapik ang daliri ko nang dumaan si Dora sa harap namin.


"Ang ganda mo dito, Darlene. Dito lang sa picture, ah? Hindi sa personal," klaro niya na ikinatawa nila Arvin.


Masama akong tumingin sa kanila. "Wow, ah?! Hiyang-hiya naman ako sa inyo," sarcastic na sabi ko.


Tinapik ni Finn ang balikat ko. "Ano ka ba, huwag ka nang mahiya sa amin. Kami lang 'to."


"Kapal ng mukha nitong mga 'to. Isumbong kita sa jowa mo."


Napatingin ako sa kabilang table nang mapansing nakatingin sila sa amin. Tinaasan ko ng kilay si Iris. Nakita ko pa ang pag-irap ng kapatid ko dito sa katabi ko.


"Huwag mo na lang sila pansinin," sabi ni Trevor.


Parang bumalik ang init ng ulo ko.


"At kalma ka lang," sabi ni Rafael. "Ang init ng ulo mo, e."


Paano ako kakalma? Sabihan ba naman akong tinulak ko si Iris?! And take note, tinulak niya ang sarili niya sa hagdan!


"Paano mo naman nasabi? Naramdaman mo?" Tinaas ko ang kilay. Napakamot siya sa ulo bago puntahan ang girlfriend niya sa kabilang table.


Sinisisi niya ako sa kabobohan niya kahit siya naman talaga ang may kasalanan. Bwisit na Iris 'to.


"We'll prove that you didn't do that shit," seryosong sabi ni Phoenix.


"Yeah, we'll also look for evidence," sambit ni Trevor.


"Now, chill, relax and stop thinking about those," sabi naman ni Dash.


At nangyari nga! Hindi nila ako binigo lahat. Pinalabas nila ang totoong kagagawan ni Iris 'yon kaya doble ang pasasalamat ko dahil tinulungan nila ako. Pero sa bawat pagkakataon na tinutulungan nila ako at hindi hinahayaan na masaktan ay malalaman ko na sila rin pala mismo ang magiging dahilan sa mga sakit na mararamdaman ko.


Kung bakit ako masasaktan, kung bakit ako madudusa sa lahat ng binigay nila sa akin, sa lahat ng mga ginawa nila na hindi ko inakalang... magagawa nila. Lalo na ng lalaking mahal ko, hindi ko inakala na magagawa niya akong saktan.


Hindi ko inakala na may magiging dahilan pala para magkasira kaming dalawa. At iyon ay ang mismong kagagawan niya, silang lahat. Ngayon, napapaisip ako kung paano ko maibabalik ang tiwalang sinayang nila sa akin o kung maibabalik pa kaya?



The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now