Chapter 19

24.5K 670 35
                                    

Chapter 19: I'm Getting Married

Mas lalo yata akong hindi nakatulog nang matapos ang gabing 'yon. Tapos sinipon pa ako, nagtaka pa si Papa kung bakit ako sinipon. Sinabi kong napasobra ako sa pagligo sa shower kaya ako sinisipon. Pagkatapos din no'n, kumain kami sa lugawan na sinasabi ko bago niya ako ihatid sa bahay.

At pagdating din ng kinabukasan ay sinalubong ako ng kamalasan. Late akong nagising, wala akong masakyan na jeep, at higit sa lahat nakatapak ako ng tae sa daan.

Nagtataka pa ako kung ano 'yong mabahong amoy na panay ang sunod sa akin. Tae pala at naapakan ko. May sipon na nga ako pero naaamoy ko pa rin. Mahabang paglilinis ang ginawa ko para lang matanggal ang shit sa sapatos ko.

Hindi na rin ako nakapag-almusal sa bahay dahil sa sobrang late ko. Nang makasakay naman ako sa jeep nainis ako sa mag-jowang panay ang away tapos ito naman si manong driver nakiki-usyoso pa at hindi na lang magdrive.

May dala-dala ang panyo para sa sipon ko. Halos takbuhin ko na ang classroom namin makaabot lang sa first period pero napatigil ako nang makita ko si Tricia na umiiyak. Dumiretso siya sa cafeteria.

Hindi ko alam ang uunahin ko. Kung si Tricia ba na umiiyak o 'yong first period ko.

Pinili ko si Tricia dahil mukhang mabigat ang dinadala niya. Kokopya na lang muna ako ng notes kay Harvey tutal masipag naman siya mag-sulat.

Kinuha ko ang handkerchief kong mamahalin. Galing pang Louis Vuitton 'to, 'no!

Sinundan ko siya at nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng cafeteria. Bumili muna ako ng tubig para makainom siya.

"Oh..." sabi ko sabay lahad ng LV handkerchief. "Huwag mo lang sisingahan kasi mahal, e."

Napatingin siya sa akin at mahinang natawa. "Nahahaawan ka na ni Laureen." Tinanggap niya 'yon at pinahid ang luha.

Umupo ako sa harap niya at pinatong ang bag ko. Pinagmasdan ko siya, namumula ang mata at ilong niya.

Ano nga palang ginagawa niya rito? May klase na, ah? At bakit siya umiiyak?

"Bakit ka nga pala umiiyak?" Nagpalumbaba ako sa harap niya.

Huminga siya nang malalim sabay angat ng tingin sa akin. "Just little a problem," aniya sabay pilit na ngiti. "Uhm, Rafael and I are ex's."

Napangiwi ako. "Alam ko na 'yan."

Gulat siyang tumingin sa akin. "H-How?"

Chismosa kasi ako, charot.

"Noong pumunta sila sa bahay ko, sinabi nila sa akin ang mga ex nila," sagot ko. "Kasama na ako doon. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko, bakit ka umiiyak?"

Bumuntong hininga siya. "I'm getting married."

Napatingin ako sa kaniya. "Congrats!" Ngumiti pa ako.

Masaya ako para sa kaniya pero parang kabaliktaran ang nararamdaman niya. May problema 'to.

Shot na ba?

"I don't love him," mahinang bulong niya. "May mahal akong iba. Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal."

Kahit sino naman, e.

"Hindi ako magiging masaya..." dagdag niya at biglang nalang tumulo ang mga luha niya. "Isa lang... sa isang tao lang ako magiging masaya, Darlene."

"Shh..." Lumapit ako bago hinagod ang likod. "Ilabas mo lahat o kaya pwede mong ikwento sa akin. So, ano ba ang nangyari?"

"I am getting married at hindi ako masaya sa mangyayari. I only have one person na tanging mahal ko and it's Rafael. It's only him. I remembered my first day in here, he really caught my attention. Madalas siyang dumaan sa classroom namin at tumingin sa loob. Noong panahon na 'yon ay hindi ko pa kaibigan si Laureen, she's a bitch—I mean, masungit at inaaway ako lagi. At noong panahon na 'yon ay hindi ko pa alam na sa kabilang section si Rafael, he's in Class 8, matagal na. Hindi naman nagbago ang mga names ng classes dito," pagpapaliwanag niya nang makitang bahagya akong naguluhan.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now