Chapter 53

24K 560 125
                                    

Chapter 53: For Finn

Ilang beses na kaya akong nacoconfine sa Hospital? Magiging suki na yata ako dito sa Hospital dahil sa mga nangyayari. Kanina pa rin ako gising. Walang tao sa kwarto nang magising ako pero may sulat akong nakita sa tabi ko. Si Darius pala ang nandito at may binili lang raw sa baba. Ang sakit talaga ng balikat ko kahit wala na ang bala. Masakit lang talaga dahil may sugat pa ako.

Hindi nga ako natulog habang tinatanggal ang bala, e. Nakikipagdaldalan ako kay Doctora at sa ibang mga nurses na kasama namin. Ayoko ko kasing pumikit baka matuluyan ako kung sakali. Gising ako habang ginagawa 'yon at kumakanta ako dahil sa sobrang bored ko!

Napapailing na lang ang nurse at doctor dahil sa akin. Napagod lang ako kaya biglang bumagsak ang katawan ko. Hindi naman daw malalim ang sugat ko kaya nakahinga nang maluwag si Doctora.

Nakatulog na rin ako ng maayos matapos 'yon. Umaga na nang magising ako. Tsaka, nandito pala si Phoenix.

"Phoenix, usog naman." Tulak ko sa kaniya.

"Hinila-hila mo ako palapit sa 'yo tapos pauusugin mo ako," narinig kong sabi niya. "Matulog ka na ulit." Niyakap niya ako kaya hindi ako nakagalaw.

"Huwag mo na akong yakapin." Inalis ko ang kamay niya.

"No, I want to hugged you." Bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "Sleep now." Hinaplos niya ang buhok ko bago ipatong ang ulo sa akin. "Goodnight-I mean, mornight." He chuckled.

Napapailing na lang ako sa kaniya kaninang madaling araw. Tsaka, nakakahiya lang na nakipagmukbangan na naman ako sa sobrang kaharutan ko.

Dahan-dahan akong umupo bago sumandal sa unan. Hinanap ko ang cellphone sa gilid ng kama pero wala. Kinuha ko na lang ang bag ko at doon hinanap kaso wala rin. Nasaan na ba 'yon?

"Letcheng cellphone 'to, nasaan na ba?" Sabi ko habang hinahanap pa rin.

Marami akong nakalagay sa notes! May password 'yon pero malay mo mabuksan pa rin, 'di ba? Baka mabasa ang nasa loob noon. Ang dami ko pa namang sikretong nakatago doon.

Secret notes ko kumbaga.

"Miranda are you-"

"Tangina." Humawak ako sa dibdib. "Tangina, bakit ba bigla-bigla ka na lang pumapasok?"

Si Phoenix nandito. May dala-dala siyang kung ano sa kamay. Mukhang umuwi siya sa bahay nila dahil iba na ang suot niya. Naka-sweat shorts siya at ang sa itaas ay black na hoodie pero sure akong may pang ilalim siya do'n. Alangan namang wala, 'di ba?

"Uso po ang kumatok," sabi ko at iniwas ang tingin.

Infarness ang pogi niya at ang bango pa, ah? Humahalimuyak ang amoy niya mula rito sa kinalalagyan ko.

Umismid lang siya at naupo sa sofa sa tabi ng kama matapos ibaba ang dala sa lamesa. "How are you feeling?"

"Ayos lang naman," sagot ko. "Pero masakit pa rin ang balikat ko."

"Then rest. Stop moving baka lumala lalo ang sugat mo."

Hindi ko siya pinansin at hinanap na lang ang cellphone ko para ma-i-text si Mama. Miss ko na siya, nakalimutan ko siyang kumustahin noong umalis siya. Nasaan na kaya ang cellphone ko?

"What are you looking for?" Tanong niya nang makita ang ginagawa ko.

"'Yong cellphone ko, hindi ko makita. Nasa bag ko lang 'yon, e, bigla nawala," sagot ko at sumandal na lang sa unan.

Bahala na nga. Lalabas din ang cellphone na 'yon kapag napagod mag-tago.

Hindi siya nag-salita pero may kinapa sa bulsa niya. "Ito ba?"

The Girl in Worst Section (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt