Chapter 5

33.8K 823 88
                                    

Chapter 5: Confused

Natapos din ang delubyo sa buhay ko! Halos magmadali ako sa pag-aayos ng gamit para makalabas na ng impyerno. Nakakabwisit! Wala silang ibang ginawa kung hindi ang pagtripan ako! Nananahimik akong nakaupo at nakikinig sa Teacher namin pero nawawala ako sa focus dahil sa mga lalaking 'to.


Hindi pa nakuntento sa pambabato ng mga bagay sa akin tapos tinali pa ang bag ko at nilagyan ng mga bato.


Bakit kasi mga lalaki ang kaklase ko? Ang pangit magparusa, grabe!


"Tangina niyo talaga..." mahinang bulong ko.


Hindi pa rin sila umaalis at pinapanood ang paghihirap ko. Mga bwisit, papatayin ko kayong lahat! Partida unang araw ko pa lang, ah! Paano kapag araw-araw na? Baka maging impyerno lalo ang buhay ko nito.


"Kawawa naman..." pagpaparinig ni Rafael.


Tiningnan ko siya at inirapan. Kinuha ko ang gunting at ginupit ang tali ng bag ko. Kung isaksak ko kaya sa kanilang lahat ang gunting na 'to? Tapos sasabihin ko nagpakamatay sila dahil sa sobrang bored sa buhay.


"Gago!" dinig ko ang pagsingahap nilang lahat. Nakahawak pa talaga sa mga bibig nila.


"Kung isaksak ko kaya sa inyo 'tong tanginang gunting na 'to?" tanong ko, naiinis. "Putangina niyo, sagad."


Nagulat sila sa pagmumura ko.


Tiningnan ko silang lahat at matalim na tiningnan. "Tangina, ihahagis ko sa inyo 'tong silya! Mga kinginang 'to." Inirapan ko si Phoenix.


"Relax ka lang..."


"Ewan ko sa inyo mga letche!" sigaw ko at umalis sa impyerno este classroom.


Kailangan kong magpaka-behave pero kusang lumabas ang masama kong ugali. At bwisit din 'tong bibig na ito, hindi mapigilan ang pagmumura. Salaksakin ko sila ng gunting kapag hindi pa talaga sila tumigil bukas. Halos madapa ako habang pababa ng hagdan. Kailangan kong bilisan para makauwi na ako.


Nakakatamad at nakakapagod ang araw na 'to. Naglakad ako palayo pero napatigil nang marinig ang boses ni Harvey and friends.


"Darlene!" Narinig kong sigaw niya.


Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante habang pinapasadahan ng tingin. Tiningnan ko rin sila at inirapan bago lumingon kay Harvey and friends. Muntik na akong madulas, bakit naman kasi sa taas ang classroom namin?


"Bakit?" tanong ko nang makalapit sila sa kinatatayuan ko.


"P're, ang galing mo." Inakbayan ako ni Dash sabay ngisi.


Nalaglag pa ang buhok niya sa mukha bago 'yon hawiin gamit ang isang kamay.


"Mura ka nga ulit..." sabi ni Arvin. "Ang satisfying pala kapag 'yong taong hindi mo inakala na hindi marunong mag-mura ay mas malutong at malala pa."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now