Chapter 37

22.7K 654 350
                                    

Chapter 37: Dead

Darius

It's hard to see your sister while in the ICU with a critical condition. May nakalagay na oxygen sa ilong niya. Hindi masyadong mababaw ang sugat niya kaya nakakapag-alala talaga. At kahit wala na ang bala ay wala pa rin siyang malay.

Darlene needs to be okay now, dahil kapag hindi pa rin maayos ang lagay niya. Magpapahanda na ako ng lamay para sa mga mawawalan ng buhay. Dahil si Mama mismo ang gagawa no'n. Huwag lang nilang sasaktan ang unica hija namin.

Pinagmasdan ko ang mukha niya.

She looks like an angel. She looks so peaceful. She so damn beautiful. Mahahalata mo talaga sa mukha niya na masayahin siya at walang problema na iniinda.

Pero alam ko mismo... may problema rin siya. Hindi niya naman kasi ugaling mag-sabi ng mga gano'n. Kahit nagkahiwalay kaming dalawa ay alam kong gano'n siya parati.

Sanay siyang mag-isa dahil walang oras si Papa at Kuya sa kaniya. Naikwento niya sa akin 'yon at ako ang naawa sa kaniya.

Laging sinasabi ni Papa kay Mama ang lahat kaya aware si Mama sa mga nararamdaman niya. At aware din si Mama sa mga pinag-gagawa niya. Napapailing na lang si Mama tuwing nalalaman niyang nae-expelled ang kapatid ko.

Noong 18th debut niya. Nandoon rin kaming dalawa ni Mama kaso hindi niya alam. Halata sa mukha niyang hindi siya masaya, parang may kulang sa birthday niya—namin, that's our birthday but still, hindi ko siya nagawang lapitan.

God knows how much I wanted to hugged her. Especially, noong 18th flowers niya. She assumed that I'll be her last dance dahil iyon ang gusto niya pero hindi ako nagpakita.

"Hala..." Napalingon ako sa pinto nang may mag-salita.

It was my friends.

"What happened?" Zay asked, confused.

"Bobo, nabaril nga. Kanina ko pa kinukwento habang paakyat tayo dito, hindi ka kasi nakikinig," sabat ni Rovie bago lumapit sa kapatid ko.

"Who did this to her?"

"The enemy," I replied.

"Is that the... Scythe?" Tiningnan ako ni Lian.

"Yeah." I nodded and kissed my sister's forehead. "Let's go outside."

Una akong lumabas. Naupo sa waiting area sa labas. Nakasunod naman sila at mga nagsiksikan sa waiting chair ng hospital.

"Scythe? Scythe Society? Iyan ba ang kini-kwento mo sa amin?"

Tumango ako. I told them about Scythe since they are part of our Organization, at sila sa pinagkakatiwalaan namin.

"Ano nga ulit 'yon?" Tanong ni Zay.

"I-kwento niyo nga rito ang tungkol doon, naaasar ako kapag nagtatanong, e," irap ni Gianna.

"Sasabihin ko 'yong tungkol sa kanila." Si Rovie at nag-bukas rin ng beer.

Mga bwisit kapag kami nasita rito. Papalunukin ko sila ng bala ko.

"Ganito kasi 'yon. Ang Scythe Society ay isang Mafia Group. Madalas nilang kalabanin ang mahihinang grupo dahil ʼyon lang ang kaya nila. Madalas nilang patayin ang mas nakakaangat para makuha ang mga yaman na gusto nila. Gusto nilang manguna sa lahat. Dahil hindi nila magawa ang lahat dahil sa kakulangan ng miyembro dinadaan nila sa dahas. Palihim silang kumikilos at palihim nilang pinapatay," Rovie said. "Magagaling din naman sila at may mga taktika rin minsan. Hindi mo makikita ang tunay na mga kasapi sa Scythe Society dahil tanging mga Scythe Subordinate lang ang mga makikita mo. Tulad ng nangyari ngayong araw. Hindi nagpakita ang mga tunay na kasapi, 'di ba?"

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now