Chapter 77

18.9K 488 200
                                    

Chapter 77: Period

Hindi ako nakatulog sa text message na 'yon. Paulit-ulit na nasa sistema ko. Binlock ko ang number niya para lang hindi na siya makapag-text. Nagtataka lang din ako, kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko lalo na ang number ko!

Tapos 'yong boses niya, pang-lalaki. At ang lamig-lamig, daig pa yelo sa sobrang lamig ng boses kaya nadagdagan ang takot na nararamdaman ko.

Gusto ko sanang itanong ko kung siya ba si Kamatayan? Kasi parang sinusundo na niya ako. Pero masyado talagang natakot ang buong pagkatao ko kaya hindi ko nagawang gaguhin ang kausap ko, baka mamaya nasa paligid lang 'yon at biglang paulanin ng bala ang buong kwarto ko.

Mahirap na... nag-iingat lang ako.

Ang laki rin ng eye bags ko nang dumating ang kinabukasan. Bangag na bangag ako. Para akong hindi natulog ng dalawang araw. Ito ang unang beses na malaki ang eye bag ko. Wala naman akong pakialam kung may ganito ako, ang akin lang baka magtaka si Darius.

Chismoso 'yon, e.

Alas-siete na at eight ang pasok namin. Sa isang school na kami papasok ni Darius.

Kinuha ko ang tuwalya sa bathroom. Dala-dala ko ang cellphone at speaker para hindi boring habang naliligo. May pa-song dapat tayo kapag naliligo.

Nag-message si Phoenix kaya naman ay binasa ko.

From: Phoenix
Good Morning. I missed you.

Nag-reply ako.

To: Phoenix
Good Morning!

Pinatay ko na ang cellphone ko.

Nagtagal ako sa pagligo dahil pumasok na naman ang text na 'yon sa utak ko. Ang daming thoughts na pumapasok sa utak ko!

Paano kung nasa paligid nga talaga silang lahat? At paano kung wala akong kasama... sumugod sila? Ayoko pang mamatay.

Napabuga ako ng hangin bago bilisan ang pagligo. Paalis na sana ako biglang kumirot ang puson ko. Umayos ako ng tayo at bigla namang nawala. Kumuha agad ako ng susuotin sa closet ko. Isang uniform na lang ang meron ako.

Sinuot ko na 'yon at nag-ayos. Tinali ko ang buhok ko ng messy bun. Nasa bag ko lang ulit ang tie ng uniform ko dahil hindi ako marunong magsuot.

Lumabas na ako at saktong lumabas rin si Darius. Gulo-gulo pa ang buhok niya nang tumingin sa akin.

"Oh?" Tanong ko.

"Ang ikli ng suot mo," comment niya.

Ito kasi 'yong uniform na binigay ni Tricia noong pinagtripan ako ng mga gunggong. Wala na akong choice kung hindi ang isuot 'to. Kaysa naman ang lumabas ako ng walang pang-labas na damit?

"Okay lang 'yan."

Nauna akong bumaba at pumunta sa dining. Wala pa rin ang aking mahal na kuya, mukhang kasama niya ang kaniyang family ngayon.

Nang makababa si Darius, agad kaming kumain matapos mag-pray. Panay ang comment niya sa suot ko, ang sabi niya magpalit raw ako.

Pero ang sagot ko, wala ng extra. Magpapalit naman ako kung may extra kaso wala, e. Tumayo na ako nang matapos. Kumuha muna ako ng mint para sa bibig ko para bumango. Kumuha rin ako ng bubble gum.

Saktong paglabas ko ay may Tesla na tumigil sa harapan ng bahay. Bumaba doon si Phoenix.

"What? Isang School na lang tayo ngayon kaya sa—"

"Bye, Darius!" Pinutol ko ang sasabihin ni Darius at kumaway sa kaniya. "See you!"

Dumiretso ako kay Phoenix at pumasok sa kotse niya. Umirap lang si Darius sa amin bago sumakay sa kotse niya. Nagseat belt ako at pinanood kung paano pumasok sa kotse si Phoenix.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now