Chapter 10

35.1K 817 167
                                    

Chapter 10: Knights

Kunot ang noo ko habang nakatingin sa harap. Sino ba 'tong mga tao na 'to? Mga naka-unifrom at may tatak na GFS. Ano bang meaning no'n at may gano'n pa? Aaminin kong iba ang presensya nila.

"What the fuck do you want?" Bakas ang galit sa tono ni Phoenix.

"Galit na galit agad?" Pang aasar na tanong ng lalaking kaharap niya.

"I said, what the fuck do you want?!" Ulit ni Phoenix, nagpupuyos na sa galit.

Teka, ano ba ang ikinagagalit niya? Mukhang mabait naman ang lalaking 'to, ah?

"Who's that girl?" Tumingin sa akin ang isang lalaki.

'Di ba kanta 'yon? 'Yong 'tell me who's that girl, who walk walk in the club', 'di ba?

"Ano ba kasing kailangan niyo?!" maging si Dash ay galit na rin.

Ano bang meron at nagagalit sila?

"May nakarating kasi sa amin na kayo daw ang naglagay ng mga Spray Paint at mga basura sa School namin," sagot ng lalaki sa tabi ni. . . basta kinangina niya.

"Don't blame us for that shit!" Malamig na sabi ni Trevor.

"Ni hindi nga kami tumutungtong diyan," gatong ni Finn. "Allergic kasi kami sa mga katulad niyo."

"So, ano 'to?" May nilabas na cellphone ang isang lalaki. Video ang nasa screen, pinlay niya naman 'yon.

"Tell us, who ordered you to do this?" Napatigil ako nang marinig ko ang boses.

Parang pamilyar sa akin 'yon, hindi ko lang alam kung saan ko narinig.

Hindi sumagot 'yong lalaki at nanatiling nakayuko. Sino naman ang lalaki na 'to? Lakas ng tama, ah, sinisisi pa niya si Phoenix at ang iba.

Napahawak ako sa bibig nang makita ko ang ginawa sa kaniya. Halos bumagsak na siya sa ginawang pagsuntok sa kaniya.

"Now tell me! Kung ayaw mong magpahinga sa ospital ng ilang buwan," utos ulit ng pamilyar na boses.

Pinagsisipa siya ng lalaki pero tumigil nang mag angat siya ng tingin. Nagulat ako kung sino 'yon. Shit, si Edmark?!

"S-Si.... P-Phoenix at ... b-buong K-Knights."

Halos isalampak ni Phoenix ang cellphone sa pagmumukha ng lalaki nasa harap niya kung hindi ko lang hinawakan ang kamay niya para pigilan.

"Shh, relax," sambit ko sabay higpit ng hawak sa kaniya.

Kumalma naman si Phoenix pero masama pa rin ang tingin sa lalaki. Inalis ko na ang kamay ko nang mapansing kanina pa kami magkahawak. Napatingin pa siya sa akin pero iniwas ko ang tingin ko.

"G-Gusto n-nilang g-gantihan k-ka..." Halos sumuka na siya ng dugo nang sinuntok siya ng lalaking pilit siya pinapaamin.

"M-May b-bago s-silang" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil tukuyan na siyang nawalan ng malay at kasabay no'n ang pagkamatay ng video.

Hala, balak niya bang sabihin ang tungkol sa akin? Napahawak naman ako sa dibdib sabay tingin sa mga kasama ko. At saka Knights, sino ang tinutukoy niya. . . sila ba? Tiningnan ko silang lahat at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang seryoso nilang mukha.

Nag-iba ang presensya nilang lahat. Mabigat sa pakiramdam. Parang nagkaroon ng delubyo.

"H-Huy, ayos lang ba kayo?" Tanong ko, bahagya pang natakot, hindi ako sanay na makita silang ganito.

"It's fine. . . don't be scared." Hinawakan ni Trevor ang kamay ko. "Just don't leave behind us." Hinila niya ako.

"Wow. . . ang caring," komento ng isang lalaki sa harap namin.

The Girl in Worst Section (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora