Chapter 16

26K 801 204
                                    

Chapter 16: Ex-Friend

Tatlong teacher ang hindi pumasok sa amin dahil sa kagaguhan nilang lahat. Na-beast mode sila Ma'am dahil sa kanila.

Sa malamig pala, ah.

Mga gunggong.

Tapos itong si Phoenix! Lakas ng kagaguhan sa katawan, hindi ko makaya! And since hindi pumasok ang mga Teacher namin. Nag-party lang sila katulad ng sinabi ni Arvin! Ako naman, nakatanga lang habang pinakikinggan silang lahat. At ang lakas ng trip kanina. Gusto nilang makita na mag-walk ako ng kagaya sa Miss Universe.

"Darlene!" Tawag ng kung sino.

Kanina pa sila tawag nang tawag kaya naiinis ako!

"Ano na naman?"

"Try mo nga mag-walk dito." Turo ni Owen sa sahig kaya nagtaka ako kung bakit. "Ano, palapit dito." Tinuro pa niya ang direction nila Phoenix, mga nakatingin sila sa akin at halatang kanina pa nag-uusap lahat.

"Manti-trip na naman kayo," komento ko.

Para saan naman 'yon?

"Hindi!" Sambit nilang lahat. "Iyong pang Miss Universe."

Ay, ayoko!

"Hindi ako marunong no'n," kunyaring pagseseryoso ko.

Ayoko lang talaga! Hindi kasi ako marunong!

"Dali na," pilit ni Gael.

"Bakit ba? Kung gusto mo, ikaw gumawa," sambit ko. "Ikaw gumawa. Nananahimik ako dito tapos idadamay niyo ako."

"Ito naman... bilis na!"

"Ewan ko sa inyo. Tigilan niyo ako."

"Damot!" Darlene raised her middle finger to Gael.

Iniwan ko silang lahat sa classroom dahil hindi ko talaga kayang gawin 'yon! Tapos kanina para silang tanga. Masama bang kumanta? At iyong tingin nila hindi ko makaya kaya hinayaan ko na lang. Pero panay ang kwentuhan nila sa likuran.

"Gutom na ako!" 'Yan ang mga sigawan nila.

Saan naman sila nagutom? Sa mga kagaguhan nila?

Tapos, kingina, si Phoenix, ang lakas ng dating kanina! Tangina, bugahan mo ako ng usok sa mukha, Velasquez! Willing ako magpabuga basta ikaw!

Panay ang kwentuhan nila kanina samantalang ako ay kinuha ko ang wallet ko at cellphone para makababa na dahil sure akong nasa cafeteria si Laureen.

"Wala na akong pera! Dito na lang tayo kumain," sabi ni Dash at kinuha ang wallet niya.

Walang pera? Pero halos ibaba niya lahat ng isang libo niya kanina habang nagsusugal sila.

"Sugal pa..." pagpaparinig ng kung sino.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na lang. Rinig kong tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon. Kailangan ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.

Maraming tao sa cafeteria, namataan ko pa si Edmark na kumakain at may pasa sa mukha. Bagay lang 'yon sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga pasa ang mga gunggong.

Sisihin ba naman ang mga 'yon sa kasalanang hindi nila ginawa? Buti nga hindi na gumanti pa sila Phoenix dahil sure akong magbabakasyon talaga siya sa Hospital.

Hinanap ng mata ko si Laureen pangit hanggang sa may naririnig akong 'bitch'.

"Bitch, I'm here!" Napalingon ako sa babaeng maarte na umiinom ng iced tea.

Inis ko siyang tiningnan, grabe sa initan talaga sila pumwesto?

"She's beautiful naman pala," sabi ng isang babae.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now