Chapter 127

16.3K 394 48
                                    

Chapter 127: Sorry

Gianna

Isang buwan na ang lumipas simula nang makaalis si Darlene at Darius. Isang buwan ko na rin namimiss ang pag-utos-utos sa akin ng magkapatid. Pero hindi naman nawawala ang communication at pucha akala ko talaga road to being Queen na si Darlene.

Totoong namimiss na rin namin sila dahil hindi buo ang barkada kapag wala silang dalawa.

Halata rin na miss na miss na rin nila Finn si Darlene. Halata rin sa kanilang pinagsisihan nila ang nagawa nila. Gusto man nilang puntahan kung nasaan si Darlene kaso hindi nila ginawa. Ayaw nilang abalahain si Darlene doon para makapagpahinga siya kahit papaano.

Pero gusto nilang bumawi sa kaniya kaso wala nga si Darlene.

Maayos naman kaming lahat sa lumipas na isang buwan. Palagi kaming magkakasama, tuwing lunch, uwian, at minsan weekends kapag walang ginagawa ang karamihan sa amin. Madalas kami sa mall para mag-aliw-aliw.

At si Phoenix naman, halatang miss na miss na niya si Darlene. First time kong makitang ganito siya. Iyong tipong gagawin lahat para sa sa babae. Sa mahal niya, gano'n. Hindi nga siya pumasok tapos noong birthday niya walang handaan, wala kaming alam kung saan siya pumunta pero mabilis naman din siyang nakabalik kinabukasan.

Iba nga lang itsura. Alam niyo 'yong pinag-bagsakan ng langit at lupa tapos nalaman namin na nasa Spain pala?! Ibang klase. I mean... siguro sobrang mahal na mahal niya lang talaga si Darlene kaya kahit ayaw niya susundin niya kasi 'yon ang gusto ni Darlene.

At mukhang mabilisang bisita lang ang ginawa ni Nix kung saan man siya pumunta. Ang bilis bumalik kinabukasan, e.

Si Iris naman.... nag-sorry sa lahat ng nagawa niya. Well, pinatawad naman namin siya sa nagawa niya pero sana kay Darlene rin... mag-sorry siya. Si Darlene mismo ang nakaramdam ng pinapagawa niya. Iyon naman daw ang balak niya kaya ito um-oo na lang kami.

Hindi ko nga alam kung sincere ba siya para kasing nagbago ang ihip ng hangin.

Madalas na rin siyang sumama sa amin. Hindi nga lang siya pinapansin ni Phoenix kahit ilang beses niyang kausapin.

"I missed Darlene," sabi ni Laureen habang naglalakad kami papunta sa quadrangle.

Lagi nga silang magkatext, chat, at call tapos mamimiss niya pa? Wow naman.

"Huwag kami, Laureen. Tara na," sagot ni Gavin sa kanya at hinila siya papunta sa quadrangle. Nakita ko pa ang pag-akbay niya kay Laureen.

Napangiwi na lang ako sa harutan nilang dalawa. Sumunod na lang ako sa kanila.

May sasabihin ang teacher namin ngayon kaya pinapatawag ang lahat ng grade ten mukhang pag-uusapan na ang last na gagawin namin bago kami umakyat sa stage para grumaduate.

Yes... graduation na two months from now. Kaya, ito, mukhang alam na nila ang ipapagawa sa amin. Last task kumbaga. Malapit na rin ang exam week kaya medyo nagagahol kami palagi sa oras para mag-review. Kailangan na muna naming mag-aral para naman makapasa at maka-graduate kami.

Alam kong masyadong maaga para gawin ang mga 'to pero minamadali rin nila. Marami kasing students kaya nagagahol sa araw at oras. Lagi pang may pa meeting ang mga Teachers.

Naupo ako sa harap at sa tabi ko si Andrei. Wala pang Teacher dahil may inaasikaso pa kaya tamang daldalan kaming lahat dito. Ang ingay na rin ng buong quadrangle dahil sa mga estudyante.

"Finn, anong oras na?" Tanong ni Ivan kay Finn.

"8:54," sagot ni Finn sa kanya.

Sa itsura naming lahat, parang pinapatay namin si Darlene.

The Girl in Worst Section (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora