Chapter 130

18.1K 403 44
                                    

Chapter 130: Happiness

Gianna

Napahawak na lang ako sa noo nang makita kung paano lagyan ni Laureen ng tequila ang cocktail glass para kay Darlene. Tinaas naman ni Darlene ang cocktail glass gano'n rin ang ginawa ng mga girlfriend ng mga kasama ko dito.

Vibe na vibe pa nga ang music sa baba. Langya talaga 'tong si JP, siya pala ang nangunguna doon sa DJ. Mas lalong lumakas ang ingay ng lakasan ni JP ang tugtog. Tawa-tawa pa siya sa ginagawa niya. Ngayong Gabi pa nga ang pinatugtog. Napailing na lang ako sa kanya.

"Cheers!" Ang lakas ng boses ni Laureen.

Diniretso nila Laureen ang drinks nila. Napapikit pa sila dahil sa alak. Buti pa ako... hindi umiinom. Well, slight lang. Tamang wine lang sa gilid. Naubo ako bigla ng ibuga nila Harris ang cigarettes nila sa harap ko.

Tangina, magkakahika yata ako sa mga hayop na 'to.

"Sabi sa inyo, e, masama ang pumunta dito," narinig kong sabi ni Gavin habang pinapanood ang ginagawa nila Laureen sa ibaba.

"Really bad..." sang-ayon ni Phoenix, diretso ang tingin niya kay Darlene na kanina pa uminom sa baba. Parang wala siyang pakialam kahit na may klase pa bukas. Binuksan pa ni Darlene ang isang bote at nilagyan ang mga baso nila Laureen.

Ang tanga din naman kasi nitong si Andrei. Mag-yayaya na lang ngayong gabi pa. Pwede naman sa Friday para kinabukasan walang pasok. Ungas nga naman talaga.

"Halatang lasing na talaga sila." Mga gago kasi. "Yari kayo kay Miss. Serine."

Tumingin lang sila sa baba kung nasaan ang mga girlfriend nila. Tumingin ako kila Phoenix nang makitang may lumapit na mga lalaki sa kina Darlene. Amputa, salubong agad ang kilay ng mga 'to.

Tumawa si Laureen sa sinabi ng lalaki at may tinuro dito sa taas. Nag-angat ng tingin ang mga lalaki at ng makita sina Phoenix bahagyang napatigil, binalik ng lalaki ang tingin kay Darlene.

"I can't take this. I need to take my Darlene now." Pinatong ni Phoenix ang baso sa lamesa at bumaba para puntahan si Darlene.

Naupo na lang ako sa couch. Wala na akong panahon panoorin silang lahat. Gusto kong mag-relax pero hindi ko magawa dahil paulit-ulit akong inuutusan ni Miss. Serine. Mukhang may pinaghahandaan siya sa kung ano at pati ako nadamay sa paghahanda.

Napakamot naman ako sa noo.

Hindi ko pa nga nagagawa ang pinapahanap niyang babae, e, tapos may panibago na naman akong gagawin. Bakit kasi palihim na naghahanda si Miss. Serine.

"Puta, nasusuka ako!" Napatingin ako sa likod ko.

Nakita ko silang bitbit ang mga girlfriend nila.

"Come on..." Sinubukan ni Phoenix hawakan si Darlene. "Let's go home."

"Wait lang..." Naupo si Darlene sa couch.

Ampucha, pati si Darius lasing na lasing.

"Gago kayo anong ginawa niyo dito?" Gulat na tanong ko habang nakaturo kay Darius.

Malakas na tumawa si Dash. "Gago, diniretso iyong isang bote ng tequila." Natatawang sabi niya. "Pre, kaya mo pa?"

Pikit na ang mata ni Darius.

"Tanga, nilasing niyo ang magkapatid." Umiling-iling ako. "Ihatid niyo 'yan pauwi!" Sabi ko at tumalikod para puntahan naman ang iba.

***

Darlene

Ang sakit na ng ulo ko. Nasusuka ako. Gusto ko na rin matulog. "Nasusuka ako..." Yumuko ako. "Teka... lang..." Humawak ako sa kamay ni... wait sino ba 'to?

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now