Chapter 58

22.7K 597 102
                                    

Chapter 58: Standard

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang malambot na kama. May nakayakap pa sa akin. Lumingon ako at mukha ni Phoenix na natutulog ang sumalubong sa akin. May payakap-yakap pa! Tinanggal ko ang kamay niya pero hinigpitan pa lalo. Pinilit kong kumalas pero hinawakan niya ang kamay ko sabay hila palapit sa kaniya.

"Kapag hindi mo ako binitawan, mawawalan ka ng kamay," banta ko pero hindi pa rin siya kumilos. "Isa! Sisipain kita!"

"Go back to sleep, Miranda. Alam mo bang ilang oras mo akong pinag-hintay? Kumuha lang ako ng pagkain mo pagbalik ko tulog ka na." Hinigpitan niya ang pagka-kayakap sa akin.

"Nakakaantok po kaya ang mga pinagsasabi mo." Irap ko. "Bitiw na, Velasquez."

Landian na ba tawag rito? Landian tapos walang label?

Iniharap niya ako sa kaniya. "Ano ba, bitiw na kasi." Dinampian niya ng halik ang pisngi ko. "Bibitaw ka o sisipain ko 'yang ano mo. Mamili ka."

"Don't. Hindi kita mabibigyan ng anak kapag ginawa mo 'yon. Sayang naman ang lahi ko kung gagawin mo, 'di ba? Ayaw mo bang magkaroon ng supling kasama ko? Aray, Darlene!" Sinipa ko siya sa paa.

"Ulol, wala akong balak magkaroon ng anak."

"Okay, it's your choice though and your body so, I don't have a right to question you..." aniya at pumikit ulit. "Damn, I'm so sleepy."

Tumitig ako sa mukha niya. Alam niyo, kahit gago siya, hindi siya nangingialam sa kagustuhan ng iba at nirerespeto niya lang.

"Stop staring, Miranda."

Iniwas ko ang tingin. "Nawiwili ka na sa pagyakap-yakap mo sa akin. Bumitiw ka na kasi."

"If I know, gusto mo ang yakap ko."

"Hindi kaya 'yong yakap ang gusto ko. Ikaw mismo iyong gusto ko," ngumisi ako dahilan para matigilan siya. "Ano, bakit?" Natigilan kasi siya tapos nakatingin pa sa akin.

"Uh, nothing." Umiling siya. Tinanggal niya ang kamay niya sabay ayos ng higa.

"Anong oras na ba?" Tanong ko dahil naaninag kong madilim sa labas. Umupo ako sa kama at inayos ang buhok ko.

Anong oras ba ako natulog at bakit umabot ng dilim?

Nalipat ang tingin ko kay Phoenix dahil panay ang tingin niya sa mukha ko, natatawa pa. Ano ang nakakatawa? Timang 'to.

"Bakit ka ba natatawa?" Kunot-noo kong tanong.

Umiling siya pero natatawa pa rin. "Wala lang."

"Ulol, may ginawa kang kagagaguhan, 'no?" Nag-hanap ako ng mga ginawa niya sa loob ng kwarto. "Yari ka talaga sa akin kapag may nakita ako."

Hindi na ako magtatanong kung kanino dahil halata naman na sa kaniya 'to. Black ang theme ng kwarto niya at malawak. May veranda rin sa labas at maraming trophy na nakalagay sa gilid at mga medal. May electric guitar rin nakalagay sa gilid.

"Nothing. I promise."

Duda ako rito.

"Siguraduhin mo lang." Naningkit ang mata ko. "Anong oras na?" Ulit ko.

"Around six I guess." Dinampot niya ang cellphone.

Tumayo ako at dumiretso sa cr niya dahil nac-cr na ako. Tumingin ako sa salamin at mabilis na nag-salubong ang kilay ko nang makita ang mukha ko. Tangina, may drawing 'yong mukha ko. Mukha akong pusa! Kaya pala tumatawa ang timang na 'yon!

"Velasquez!" Sigaw ko. "Gago ka! Bakit mo dinrawingan ang mukha ko?"

Nasa harapan siya ng pinto ng cr niya. Tumatawa siya habang may nakatutok sa akin ang cellphone na hawak niya.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now