Chapter 73

20.2K 499 58
                                    

Chapter 73: Kidnapped

Muntik na talaga 'yon! Ang lakas pala ng apoy ko kaya nasunog. Halata sa mukha ni Darius na naiinis siya sa ginawa ko kaya nag-sorry ako nang nag-sorry! And by the way, nakaalis na si Darius para pumunta sa sinasabi ni mama kaya ako-kaming dalawa ni Phoenix ang natira sa bahay.

Nakahiga ako sa sofa at si Phoenix nakaupo sa sahig habang may hawak na gitara at ini-i-strum 'yon.

Kinakantahan niya ako. I mean, hinaharana niya ako.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo... sa pagbalik... mananatili na sa piling mo... mundo'y magiging ikaw..." Nakatingin pa siya sa akin habang kumakanta.

Alam mo 'yong feeling na sobra ka niyang mahal? Dahil makikita mo sa mata niya. Iyong sincerity at totoong pagmamahal niya habang nakatingin siya sa akin. Na para bang kahit hindi ka niya isigaw sa mundo o sabihin sa lahat ng tao na mahal na mahal ng ka niya... makikita mo sa mata niyang mahal na mahal ka niya at ayaw ka niyang mawala sa piling mo.

Nag-iwas ako ng tingin bigla. "Ganda ng boses mo, 'no? Kanino mo namana ʼyan?" Tanong ko.

"To my Mom..." Lumapit siya sa tabi ko.

Panay ang strum niya sa gitara ko habang nakikinig naman ako sa kaniya. Nakakakilig rin minsan. Nakakaginhawa sa pakiramdam habang pinapakinggan ko ang boses niya.

It was like my comfort. His voice is like my comfort zone. Ganda.

"Lagot ako kay Momshie kapag nalaman niyang muntik nang masunog ang bahay," mahinang sabi ko nang maalala ang nangyari kanina.

"Hindi 'yan. Anyways, have you pick a song already for later?" Tinabi niya ang gitara.

Tumango ako. "Oo, kanina. Sinend ko kay Finn kaso mukhang tulog pa."

Kanina habang pinapagalitan ako ni Darius sinend ko 'yon kay Finn, gano'n din sa GC at sumang-ayon naman sila. Ang nabasa ko kanina, magkikita-kita raw sila sa bahay ni Finn dahil gigisingin raw kung sakaling tulog pa.

Medyo kinakabahan rin ako para mamaya. Matagal na akong sumasali sa mga ganito kaso hindi na ako sanay na may nakakarinig ng boses ko except kay Phoenix.

"He's not." Lumingon siya sa akin.

"Anong he's not?"

"He's not sleeping at this time. He's busy courting Solace." Nagkibit-balikat siya.

"Huh? 'Di ba nagpapatulong pa siyang manligaw doon sa Solace? Saka, ang sabi niya, hindi pa siya pinapansin."

Umiling siya. "He doesn't want to tell anyone. And he was about to call us for help but he realized something. Well, he said, no matter what happens, if Solace doesn't really like him, it's fine with him. He respects Solace's decision." Isinandal niya ang ulo sa tiyan ko. "And, Miranda, I know Marquez truly, he wants the best for his loved ones. Kaya kung saan sasaya si Solace, rerespetuhin niya and he'll let go of her even if it hurts him a lot."

"Iba pala magmahal ang isang Marquez."

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Yeah, it's true. Solace is lucky to have him."

"Totoo..." Sang-ayon ko. "Halata pa naman kay Finn na mahal niya talaga. Swerte talaga noong Solace na 'yon! Bestfriend niya magiging boyfriend niya, at least kilala na nila ang isa't isa."

"But, sometimes it is hard to take a risk, Miranda. It's hard to take risks because of your friendship, the memories, the happiness, and togetherness. All that can be lost."

"Alam ko kaya 'yon. Pero pwede niyo naman balikan lahat ng 'yon pero hindi na mauulit ang mga 'yon kung sakaling fail ang pagtake niyo ng risk sa isa't isa. Magiging awkward na rin kayo sa isa't isa pagkatapos no'n, hindi niyo alam kung paano iti-treat ang isa't isa. Hays, mabuti na lang talaga hindi kita kabigan baka masira lang ang buhay ko."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now