Chapter 25

26.7K 716 134
                                    

Chapter 25: Review Gone wrong

Darlene

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay Friday na. Nang maging maayos ang pakiramdam ko, pumasok na ulit ako. May pa welcome party pa ang mga gunggong. Mukha ba akong nanggaling sa ibang lugar at kailangan gano'n pa?

May ganap sa School. Hindi ko alam na may pa-foundation day doon! Absent ako, nakakainis. Mabuti na lang sa last day ng Foundation Day ay nakapasok ako kaya kahit papaano, e, nakapag-enjoy ako.

Tapos noong nakaraan ay P.E day kaya nasa loob kami ng gymnasium. Parang tanga si Laureen, pinipilit ako rumampa, e wala nga ako sa mood. For purposes kaya 'yon ginawa. At dahil nga malakas si Laureen sa akin ay pinagbigyan ko. Binigyan ko siya nang makamandag na rampa. Actually, P.E day namin ay araw rin ng foundation day! Nakakaasar, 'di ba? Last day na 'yon. Dapat nag-eenjoy ako pero hindi pang-aasar lang nila ang nakukuha ko

Napansin ko si Phoenix... parang nag-iba, I mean, hindi ko lang maintindihan ang ugali niya. Kapag kaming dalawa parang iba siya, lumalabas ang caring side niya at loving side niya tapos kapag kasama namin ang lahat, lakas manggago.

And take note, siya nga ang nag-alaga sa akin! Ang lakas ng loob lumabas ng kwarto ko kahit nandito sila Papa! Ang akala ko pa nga mapapagalitan ako, e, buti na lang hindi. Parang inis lang si Kuya sa kaniya pero si Papa, hindi!

Tsaka, alam niyo, parang kilala nila ang isa't-isa. Nacu-curious na tuloy ako.

Feel at home pa si Phoenix sa bahay namin. And natulog pa siya sa kwarto ko! Pero sa sofa siya. At hindi ko lang ma-imagine na siya pala ang aking first kiss noon!

Hindi ako makapaniwala na siya 'yong batang lalaki na kumuha ng unang halik ko! Napapairap nalang ako tuwing naaalala 'yon.

Paulit-ulit lang din ang nangyayari tuwing pumapasok ako. At alam niyo ba, madalas akong lapitan nina Harris, at si Trevor naman ay madalas akong kausapin na. Minsan nga ay nagtataka ako sa mga kilos nila. Ewan ko ba, nakakapagtaka lang talaga. Well, iyong iba rin ay pinagtitripan ako kaya kay Trevor nalang ako sumasama.

Akala nilang lahat may gusto ako kay Trevor dahil siya daw ang kasama kahit wala naman. Mabait lang talaga si Trevor at gano'n rin ako sa kaniya.

At ito namang si Phoenix ay may topak rin, tipong nakatingin lang ako kay Trevor, e, ang sama na agad ng tingin sa akin? Siguro may mood swings siya.

Mabuti pa si Trevor! Hays, ang swerte ng magiging girlfriend ni Trevor! Ang bait, gentlemen, gwapo, lahat-lahat nasa kaniya na!

Lastly, hindi na bago, madalas talaga nila akong tingnan—titigan to be exact. Ewan ko ba sa kanila.

"Hey," tawag ni Mavis sa akin.

Nasa corridor ako habang tinitingnan ang mga students nang marinig siya.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"You're pretty, Darlene."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ha?"

"Nevermind." Nilagpasan niya ako. "But wait, for you." Binigyan niya ako ng crinkles.

Sinundan ko siya ng tingin pero hindi na niya ako nilingon. Para saan naman ang crinkles na 'to? Tumingin ako sa loob ng room at mukhang hindi naman nila nasaksihan iyon.

Binuksan ko nalang ang crinkles para makain. At nag-message ako kay Mavis through messenger para makapag-thank you.

Wala na rin na kasal na magaganap. Tingin ko ay inaayos na 'yon ng parents ni Tricia. At mukhang magiging back together na iyong lovers.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now