Chapter 54

21.2K 550 79
                                    

Chapter 54: Weird

Dahil maayos na ang katawan ko, nakiusap ako kay Papa na sa bahay na lang mag-pahinga. Mas lalo kasi akong hindi nagiging okay kapag nakahiga lang ako, mas gusto ko ay 'yong may ginagawa para hindi ako mabored.

Nakakakilos na rin naman ako ng maayos kaya pwede na rin akong pumasok. Wait, 'yan na naman sa pasok tapos kapag lunch may mangyayari na naman. Hindi ko rin alam na natulog sa Hospital ang mga hayop na 'to. Maaga kasi akong natulog matapos ang araw para manumbalik ang lakas ko. Lahat sila nagsisiksikan sa isang sofa at nakaupong natulog. Nagising na lang ako may nakapatong na ulo sa kamay ko tapos si Phoenix pala. Ang pogi niya kapag tulog literal. May picture pa nga ako, e.

Tsaka, noong una, siya lang ang kasama ko sa Hospital kasi siya lang ang tinawagan ko nang umalis sina Papa.

Nandito rin si Papa kahapon, hindi na siya umalis at nakisali sa mga hayop. Gano'n rin si Darius pero si Kuya wala pero ang sabi ni Darius may sinundan at alam niyo bang si Anya? Ang arte kasing nilalang. Pa-I don't like her pero halata namang gusto. Standards nga yata ng lalaki ang personalidad ni Anya.

Ang bait-bait niya kaya tapos masipag pa. Nandito rin siya, e, kaso umalis na at 'yon nga, sinundan ni Kuya. Paka-arte kasi. Kapag siya naunahan ng iba, bahala siya. Bagay naman silang dalawa.

"P're, ano ang birthstone mo?" Tumingin ako kay Harvey.

Nakatingin siya sa akin kaya ako ang tinatanong niya.

Nakauwi na ako ng bahay at silang lahat ay narito. Kasama si Dash, nakalabas na siya ng hospital kahapon. Actually, para silang buntot ko dahil panay ang sunod nila. Siguro kahit mamatay ako, susunod pa rin sila. Sa isang malaking kabaong kaming lahat tapos siksikan na lang para kasya lahat at kung hindi talaga kasya lahat, e, sa paanan na lang 'yong iba.

Tsaka, nakilala ko ang nagpapatibok ng puso ni Mavis at Gael. Florence at Ysabelle pala, huh? Tanggal angas nila pagdating sa mga gusto nila. Gago, p're, iyong maangas na si Mavis ay walang palag.

Nasa pool side kami nila Harvey, Rafael, at ako. 'Yong iba nandoon sa kabilang side kasama si Papa at may kung ano yatang ginagawa. Naririnig kong balak pumunta ni Gianna rito kasama 'yong mga kaibigan niya.

"Amethyst," sagot ko.

Napatango siya bago lumingon kay Rafael na busy sa pakikipag-text. "Ikaw Rafael? Anong birthstone mo?"

Naguluhan naman si Rafael nang tanungin siya ni Harvey. "Huh? Hollow blocks?"

Malakas akong tumawa dahil sa sagot niya pati si Harvey malakas rin ang tawa at hawak pa ang tiyan. "Tangina!"

"Ano ba dapat? Semento?"

Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi ni Rafael.

"Puta, semento at hallow blocks raw." Hinampas ko si Harvey. "Tangina."

"Ang bobo mo naman, pre! Birthstone 'yong kunwari July tapos Ruby 'yong... basta! Haha!" Natatawang sabi ni Harvey.

"Gago! May video ka ba?" Tanong ko kay Harvey.

Tumango siya at pinlay ang video. Tangina natatawa talaga ako kapag naririnig ko mismo sa bibig niya. Ampota, hollow blocks raw! Haha! Gago!

"Tawang-tawa?!" Umirap si Rafael. "Tawang-tawa, Darlene?! Grabe! Malay ko ba?!"

"Tangina naman kasi, uso mag-tanong." Natatawang sabi ko.

Umirap siya.

Napatigil lang ako sa pag-tawa nang may mapansing kakaiba. "May napapansin ba kayo?" Tanong ko sa dalawa.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now