Chapter 32

24.8K 656 151
                                    

Chapter 32: Jeep

Exam na! Hindi ako natutuwa dahil wala akong alam kung hindi ang matulog. Ano ang isasagot ko sa exam ko? Tulog at katamaran?

Nag-review ako kagabi dahil sinabihan ako ni Papa. Binulabog niya ang natutulog kong diwa. Nakakaasar nga, e, kung kailan mahimbing ang tulog ko doon niya ako ginising. Binigyan niya ako ng sandamakmak na libro para daw aralin ko kaso hindi talaga nakikioperate ang utak ko. Hindi siya akma... ayaw niyang mag-aral, ang gusto niya lang ay ang matulog.

Ang sabi niya rin maganda mag-review kapag bandang three ng umaga dahil kapag natulog ka raw, e, parang umiikot sa utak mo ang pinag-aralan mo, binigyan niya rin ako ng chocolates. Gagana raw 'yon kapag nagre-review ang tao. After no'n ay hindi na ako nakatulog, paano iyong message ni Phoenix, e, hindi nawala sa isip ko.

Wet amp... Gago!

Pasalamat siya nawala na 'yon sa isip ko.

"Papa, may kotse daw ako, sabi ni Darius!" Pangungulit ko.

Noong nalaman ko kasi kahapon na may regalo pala sa aking condo at kotse si Mama ay hindi kaagad ako nakapunta kay Papa dahil inaantok na ako, kaya ngayon ko siya kinukulit. Pero hindi niya ako pinapansin at nagbabasa lang ng newspaper habang umiinom ng kape niya.

Kaso ayaw niya at ni Kuya dahil ang katwiran nila 'Baka ayaw mo kaya hindi na namin sinabi.' Excuse me, condo at kotse iyon, sino ang aayaw doon? Wala!

Nasa dining kami ngayon at kumakain ng breakfast. Para namang walang naririnig si Papa. Si Kuya naman ay naka-airpods kaya hindi naririnig ang pangungulit ko.

"Papa...." Inalog ko pa ang balikat niya kaya nang uminom siya ng kape ay muntik pang matapon.

Tumigil siya at nag-salita. "No," aniya bago ayusin ang newspaper.

Napapadyak ako. "Papa, naman, eh!"

Nakakainis naman! Kahit hindi kami nag-uusap ni Mama, tatanggapin ko pa rin ang regalo niya. Duh, regalo 'yon, 'no! At first time kong makakatanggap sa kaniya n'on.

Sinubukan kong hanapin ang number niya sa contacts ni Papa at syempre nakita ko! At 'Love' pa nga ang nakalagay doon. Hindi ko binasa ang mga conversation nila dahil 'yong number lang ang kailangan ko. Kagaya ng ginawa ko kay Darius, nag-thank you rin ako sa kaniya.

"May kasalanan ka pa nga sa akin!" Masama ko siyang tiningnan .

Napa-ayos naman siya ng upo at halatang naguguluhan. Pati si Kuya napatingin. Akala ko ba nagmumusic ang isang 'to? Pinanliitan ko sila ng mata.

"Me?" Tanong niya.

"Ay, hindi ako," sagot ko pero agad akong umayos nang sumeryoso ang mukha niya. "Ang sabi mo sa akin noon, hindi kayo nag-uusap ni Mama! Matagal na pala kayong nagkikita at nag-uusap, sabi ni Darius. May pa 'I hate your mother for leaving us'." Ginaya ko ang paraan ng pag-sabi niya. "Tapos malalaman ko nagkikita kayo? Hate pala..." Pinagkrus ko ang dalawang braso ko.

Nakatingin lang siya sa akin, si Kuya naman nakikinig lang at mahinang natatawa dahil siya mismo narinig rin ang salitang 'yon kay Papa.

"Ang rupok, ah." Umirap ako. "Patagong nagkikita."

Akala ko pa naman. Hmp, tapos may sinabi pa siyang 'If ever we meet again I will never chase her'. Ang rupok ng tatay ko! Grabe. Asawa naman niya 'yon kaya hahayaan ko na at sa tingin ko mahal pa rin yata.

Teenager ang galawan.

Narinig ko ang tawa ni Kuya kaya masama siyang tinignan ni Papa.

"Teenage boy, huh? Secret relationship with matching secret meet." Tumawa si Kuya.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now