Chapter 68

21.6K 536 94
                                    

Chapter 68: Orphanage

Nang makarating sa bahay, sa sala ang diretso ko. Nakasunod naman sa akin ang iba pero sa kitchen ang diretso nila. Napairap nalang ako.

Lumingon ako sa likod. Wala sina Phoenix. Mukhang nasa labas at nag-uusap pa yata. Napabuntong hininga nalang ako dahil pareho pa rin silang walang kibuan sa isa't-isa.

Pinabayaan ko na lang silang dalawa dahil mukhang ayaw talaga nila. Alam ko naman na magiging okay na rin sila, at kung ano man ang naging dahilan ng away nila. Makakalimutan rin nila 'yon.

"Miss Darlene, nandito na po pala kayo," sabi ng kasambahay. "Ano raw po ang gagawin sa mga 'to?" Nilapag niya ang isang kahon.

Mga nakiusyuso naman ang iba.

"Ano 'yan?" tanong ni Finn.

"Ewan." Tiningnan ko ang nasa loob.

Napangiwi ako nang makita na puro mga love letters, flower na lanta, at mga teddy bears. May mga box rin na maliit at sa tingin ko ay puro alahas ang nasa loob.

Madami rin chocolate na expired na. Pinitik ko ang kamay ni Finn nang balak niyang kainin. Pinakita ko ang expiration date kaya naman nilayo niya sa kaniya.

"Puro love letters!" Sabi ni Harvey.

"Puro mga heart design pa!" Sabi naman ni Owen.

"Ito, oh, in-effortan talaga." Kumuha ng isa si Arvin para basahin. "Dear, Darlene. Crush kita simula pa lang noong una. Binibigyan kita nito dahil natatakot akong umamin ng harapan sa 'yo. Hindi ko kayang humarap at sabihin ang nararamdaman ko sa 'yo. Gusto ko lang sabihin at malaman mo na crush, ay hindi, gusto kita, Darlene. Love.... Tangina walang nakalagay na pangalan!"

Nangunot ang noo ko. "'Yon pala ang laman no'n?"

"Hindi mo alam na 'yan ang laman?" Umiling ako sa tanong ni Mavis.

"Hindi ko naman binabasa lahat 'yan, eh. Nakakatamad." Kinuha ko lahat ng papel. "Pero si Lara, siya nagbabasa ng mga 'yan para sa akin kaso nakakatulog ako. Parang bedtime story tuloy ang dating."

"P're, ang dami nito!" Siniko ako ni Gael.

"Tuwing kailan ka nakakatanggap nito?"

"Valentines day," sagot ko. "Ang dami nga sa locker ko, e, pero sinunog ko."

Na-appreciated ko naman ang sulat pero kasi 'di ba wala pa sa isip ko ang mga gano'n noong elementary ako.

"Araw-araw pala, gada bukas ko ng locker ang dami," pagtatama ko. "Ang dami rin chocolate pero pinamimigay ko sa iba."

"Tara, sunugin natin." Yaya ni Phoenix.

Nilingon ko siya. Kinuha na niya kaagad ang posporo. Napailing ako.

"Itatapon na naman 'yan," sabat ni Dash. "Kaya wala ka na dapat ipag-alala."

Natawa sila dahil sa sinabi ni Dash.

"Tangina, pre, umabot ng sixty-five na sulat 'to," hawak ni Gael ang lahat ng sulat.

"Tinago mo talaga lahat 'yan?" Si Darius.

"Hindi ako nagtago niyan! Si Lara nga kasi! Siya rin ang bumabasted sa mga gustong manligaw sa akin noon! Isama mo na si Kael, Reid, Devin, at Kier. Sila mismo ang bumabasted sa kanila tapos sila rin mismo nagsusunog ng mga sulat na 'yan. Idagdag mo na si Kuya. Lagi ngang sinasapak ni Kael 'yong mga lalaking gusto akong hawakan. Kaya loves ko 'yon, e." Parang nag-iba naman ang expression niya bago napatango.

"Huh? Sino naman 'yon?"

"Pinsan namin ni Darius," sagot ko.

Pinagbabasa pa rin nila ang mga sulat at halata sa mukha ni Phoenix na ayaw niyang marinig kaya hindi ko mapigilan ang matawa sa kaniya. Tumabi lang siya sa akin at pinakinggan na lang dahil wala naman siyang magagawa kung hindi ang pakinggan ang mga binabasa nila.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now