Chapter 62

20.1K 565 236
                                    

Chapter 62: Court

"Mama, nabaril ka ba talaga?" Tanong ko kay Mama nang makarating kami sa kwarto niya.

Gising na siya. Nakasandal siya sa headboard ng Hospital bed. Eh, paanong hindi ako magtatanong, ang ayos-ayos ng itsura niya. Naka-makeup at ang ayos ng damit.

"What kind of question is that?" Tanong ni Kuya habang nakatingin sa akin.

"Tingnan mo naman kasi, Kuya, naka-makeup at sobrang ayos! Iyong ako nga nabaril, e, hindi ako makakilos agad-agad. Tapos si Mama, tingnan mo." Turo ko sa suot ni Mama.

Naka-off shoulder floral dress at sobrang ganda ng makeup niya!

Naupo ako sa sofa. Pinagkrus ko ang dalawang braso. Diretso ang tingin ko kay Mama na may ginagawa sa laptop.

"Ano ba ang nangyari talaga, 'Ma?" Tanong ni Darius habang umiinom ng coffee.

"Stop stressing your mother. She's trying to rest," saway ni Papa.

"Eh, nagre-rest pala siya?" Rest pala ang tawag sa ginagawa niya halos itutok na nga ang mukha sa laptop.

Nag-angat ng tingin si Mama sa akin. "Tangina, ang boring pala sa Hospital." Nagulat ako sa pagmumura ni Mama. "I thought Darlene was joking everytime she's saying that being here is boring. Well, I agreed. It's so damn boring!"

Walang nagsalita kila Papa kaya ako ang nauna. "Ehem, baka naman pwede ka nang lumabas, Mama." Tumango ako, ngumisi pa.

"Pwede na nga ba?" Lumingon siya kay Papa at mabilis pa sa alas kwatrong tumango si Papa. "Good."

Tumawa ako at napailing. Hay nako! Lakas talaga ng takot nila kay Mama. Wala namang nakakatakot kay Mama pero takot na takot sila.

"Ano ba talaga kasing nangyari doon?" Ulit ni Darius.

Paulit-ulit, amp.

Napabuga tuloy ng hangin si Mama bago sumagot. "Pinagbabaril nga ang bahay natin. Kakauwi ko lang noon kasama si Amora, galing kami sa meeting no'n. Napapansin ko nang may nakasunod sa amin, umpisa pa lang kaya inutusan ko si Amora na paalisin ang mga kasambahay para hindi madamay sa gagawin nila."

Si Amora! Wait nga, secretary niya kaya ang babaeng 'to? Kasi magkasama sila nang dumating sa bahay, at sa tingin ko si Amora lagi ang nauutusan niya. At naririnig ko rin na pinag-aaral siya ni Mama. Ang galing, same age lang kami pero secretary na agad siya ni Mama?

"Alam mo naman palang may mangyayari bakit hindi ka pa umalis do'n?" Sumabat na ako para magtanong.

Tumingin siya si Mama sa direksiyon ko kaya tumahimik ako at inabala ang sarili sa pagce-cellphone.

"Nasa loob ng bahay natin ang hinahanap nila." Kinuha niya ang maliit na bagay sa bag niya. "This flash drive is important."

Ows? Mas importante pa sa buhay niya? Grabe naman. Hindi na lang ako nag-talk dahil baka mabugahan ako ng apoy sa mga pinagsasabi ko. Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya at gano'n rin sila Kuya.

Hindi lang pala 'yon ang dahilan kung bakit pinagbabaril ang bahay namin. Hay, gusto nilang patayin ang aking mother rainbow! Pero malakas si Mama kasi ang sabi ni Papa nang makarating siya doon ay bagsak na ang karamihan sa kanila at si Mama lang nagpabagsak no'n!

Kaya hindi na nakalaban si Mama dahil naubusan siya ng bala. At dahil nga protektang-protekta ni Mama ang kinginang flash drive na sinasabi niya, nagalit ang mga sumugod sa bahay. Eh, kaso nagalit rin si Papa sa ginawa nila kaya ayon, nauna silang makita si Satanas.

Ehem, condolence sa mga maiiwan nila.

Unang umalis si Kuya kanina dahil may tumawag at sa nakita kong caller ID ay si Anya! Mukhang dumadamoves na si Kuya. Magdidiwang talaga ako kapag nangyari ang nasa isip ko na magiging sila at future sister-in-law ko siya. Pasok naman siya, e, tama si Mama at Papa. Bagay silang dalawa.

The Girl in Worst Section (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara