Chapter 100

18.2K 385 73
                                    

Chapter 100: Holidays

Tinapos namin ang pasok, two weeks ang vacation namin at January na ang balik. Siguro tinamad ng magturo ang mga Teacher kaya nagpa-assignment at puro quiz na lang, hindi na sila nagturo.

Nag-stay ako sa bahay ni Phoenix dahil miss ko na si Phoebe at Preston tapos sa condo niya ulit ako pero syempre kailangan alam ulit ni Mama kaya nagpaalam ako.

Nakarinig ako ng katok sa labas ng bathroom. "Faster, I need to get a shower now."

"Tapos na ako!" Binalutan ko ng towel ang katawan ko bago lumuhod para kunin ang snake sa box. "Relax ka lang, Ginger, huh? Ayan, very good," Hinaplos ko ang ahas at behave naman siya.

Hindi ko makakalimutan ang huling ginawa ni Phoenix sa akin!

"Babe!" Katok ni Phoenix sa labas.

"Tapos na nga ako." Maayos akong tumayo matapos itago ang ahas para hindi niya muna makita. Binukasan ko ang pinto at bumungad naman mukha niyang bored na bored. "Nagmamadali ka ba?"

"I'm not..." Bumaba ang tingin niya sa towel ko.

Ano'ng nasa isip niya?

"Gusto mong alisin ko?" Nakabihis na ako kanina pa, strapless lang ang crop top ko at naka dolphin shorts lang rin ako.

"H-Hey, don't," nautal siya bigla.

"Okay lang 'yan." Inalis ko ang towel at parang napatigil naman siya. "Gagi, bihis na ako."

"I thought you don't have c-clothes," aniya at nag-iwas ng tingin.

"Well, thought mo lang 'yon." Iniwan ko siya.

"Babe! What the fuck is this again?" dinig kong sigaw ni Phoenix sa loob ng bathroom. "Fuck! May ahas sa loob ng shower!"

"Hindi 'yan nangangagat, bal!" Sagot ko, nasa pinto ako at pinapakinggan ang mga pagmumura niya sa loob. "Say hi to Ginger!"

"Remove this fucking snake!"

"Mabait si Ginger, love! Hindi naman siya nangangagat!"

"Shit! He's coming near me! Miranda! I'm not joking! I don't like snakes. Love! Ayoko ng ahas!"

Binuksan ko ang pinto ng bathroom. "Bal-" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang itsura niya. "Bal, ilang inches ka?" kusa na lang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon.

Iniwas ko rin ang tingin ko.

"Oh, fuck!" Kumuha siya ng towel at tinakpan ang sarili. Namula ang tainga niya bago mapahilamos sa mukha gamit ang isang palad.

"Joke lang! Wala naman akong nakita!" Malakas akong tumawa bago lumapit kay Ginger na nasa sahig. "Biro lang 'yon!" tumalikod na ako. "Pero ilan nga, Bal?" tanong ko at humarap ulit. "Eight or nine inches?"

"Darlene!" Sinara ko na ang pinto ng bathroom nang marinig ang sigaw niya.

Nilagay ko ulit sa kulungan ang ahas. Ibabalik ko na 'to sa may ari. Hiniram ko lang 'to. Pinatong ko sa kama si Ginger.

Tawa-tawa akong pumunta sa kitchen para magluto ng lunch. Sa Internet ako kumokopya ng recipe. Marami ng laman ang ref niya, pinapunta ko siya sa supermarket para bumili ng mga stocks rito.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihiwa ng gulay nang tumunog ang cellphone ko. Binaba ko ang kutsilyo para sagutin ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa tawag. "Sino 'to?" Walang sumagot sa kabilang linya.

"Babe, alisin mo si Ginger sa kama!" Tapos na palang maligo si Phoenix kaya rinig na rinig ko na naman ang sigaw niya.

Hindi ko pinansin si Phoenix dahil nasa cellphone ang focus ko. Para hahawakan lang ang ahas, hindi pa magawa. Hindi naman 'yon nangangagat.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now