Chapter 126

14.7K 366 94
                                    

Chapter 126: Postponed

Kakatapos ko lang mag-breakfast at ako lang mag-isa dahil tanghali na naman ako nagising. Nakaligo na rin ako at maayos ang itsura ko ngayon. Hindi ako mukhang ewan today! Galing akong garden dahil diniligan ko ang mga flowers ko doon.

Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga pero nagtataka ako dahil maraming kalat. Nakakalat ang mga damit ko. Palalayasin na ba ako dito?

"Why are my clothes here?" Tanong ko sa isang helper.

"Your mother said, you and your family will go back to the Philippines," sagot niya.

Nanlaki naman ang mata ko bago ako tumakbo papunta sa kwarto nila Mama. Diretso ang pasok ko para tanungin si Mama.

"Babalik na tayo ng Pilipinas, 'Ma?!" Hindi makapaniwala na sabi ko.

"Yes, sweetheart," sagot ni Mama.

Shit, kaya pala may nagpapack ng damit ang mga maids sa kwarto ko dahil tangina uuwi na kami ng Pilipinas! Babalik na kaming lahat!

"We spent months here. Malapit na ang birthday mo-niyo ni Darius." Oo nga, 'no? February na, e. February 17 ang birthday ko-namin ni Darius.

Ano kayang mangyayari sa birthday namin? Kahit simple lang! Ayos na 'yon. Kahit kami-kami lang nila ng aking mahal na family at friends sa isang restaurant. Masaya na ako doon. Hindi naman kailangan bongga para maging masaya basta kumpleto ang mahal ko sa buhay sa araw ng birthday namin ni Darius.

"What do you want for your birthday?" tanong ni Papa, kakalabas niya lang ng bathroom at mukhang kakatapos lang maligo dahil basa pa ang buhok.

"Sariling mundo sana. O kaya... sariling bansa," sabi ko habang tumitingin sa bag. Napahawak naman ako sa tainga ko dahil may pumitik. "Aw naman!"

"What do you want on your birthday?" ulit ni Papa.

"Ewan. Ay gusto ko si Lee Jong-suk!" Lumingon ako sa kanilang dalawa.

"Huwag na nga lang," nagpatuloy si Mama sa pag-aayos.

"Hindi, joke lang! Gusto ko ng sariling shop! Sariling bakeshop at ako ang may ari," sabi ko at saktong tumunog ang cellphone ko."Excuse me," sabi ko kila Mama at Papa bago lumabas ng kwarto nila.

"He...llo?" Napahikab ako.

"[Darlene.]" Nangunot ang noo ko dahil boses babae.

"Excuse me... who are you? And how did you get my number?"

"[I missed you.]" Ano daw?!

Biglang namatay ang tawag! Balak ko sanang magsalita! Pucha, sino 'yon?! Tinawagan ko ulit kaso naka-block na ang number ko. Ginamit ko pa ang isa kong cellphone kaso wala talaga!

Sino 'yon? Hala, may nagkakagusto sa akin na babae? May stalker nga talaga ako! Ang ganda ko talaga!

Hindi ako mapakali dahil baka nasa paligid lang siya! Inabala ko ang sarili ko para mawala ang tawag na 'yon sa isip ko. Shuta, may nagkakagusto yata sa akin na babae. Hindi ako makapaniwala.

Darlene, ang ganda mo talaga.

Nagtataka sina Kuya kung bakit ganito ang akto ko. Ngumingiti na lang ako sa kanila para hindi na magtanong. Kaso kahit anong gawin ko para alisin 'yon hindi ko magawa. Parang pamilyar kasi ang boses! Tangina, ayoko pa naman ng ganito, ayoko ng nag-iisip ako tapos wala naman akong mapapala.

Nagmumukha lang akong tanga.

Tumayo na lang ako sa kama para pumunta sa office ni Abuela. Kumatok muna ako bago pumasok. Family meeting ba 'to? Bakit kumpleto kami ngayon?

The Girl in Worst Section (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat