Chapter 1

6.6K 81 10
                                    

Author's Note

(Si Suzzane po yung nasa picture!)

Ako si Suzzane Bautista.. ewan ko ba kung bakit ganito yung binigay saking pangalan! Napaka-sosyal! 16 years old at ako ay 4th year highschool sa Jose Rizal School,public lang siya pero masaya naman. Madaming may ayaw sakin sa school dahil daw sa pananalita,porma,pose,language etc. Tambay ako sa kanto namin,mahilig akong magfacebook,makipag-away,makinig ng mga kanta ng Curse One At Breezy Boys. Madami ding may ayaw sakin sa facebook dahil daw sa pangalan kong.. "Bhoxz Suzxane" Ewan ko ba kung bakit! Wala namang masama kung irespeto nila ko. Hayy pero wala akong paki-alam sa kanila. Ako ay iniwan ng mga magulang ko sa mabait kong tita,tito at lola dahil naghiwalay ang mga magulang ko. May mga anak sila tita sakasongalang baby,ako nag-aalaga dun kay baby kapag wala akong ginagawa. Hindi kami mayaman pero masaya kami sa buhay namin.

"Suzzane!" hayy ayan na naman yung 3 kong kaibigian simula elementary sila si Khyla,Faye at Noreen. Mababait sila,tambay din. Minsan kapag kaming apat ang nakatambay lagi nalang may lumalapit saming mga lalaki at kinukuha number ko hindi naman sa pagyayabang ah! Pero minumura ko lang yung mga lalaking lumalapit samin.

"Bakit na naman?" sigaw ko habang lumalapit sa kanila.

"Suzzane,punta tayong SM!" sigaw ni Faye at pumayag naman ako. Nagpaalam ako kala tita at pinayagan din nila ko. Umakyat ako sa taas at nagbihis. Naka t-shirt ako,sombrero na tinatawag ng mga taong Jejecap =__= at naka shorts at nakavarsity jacket na kulay pink ang black. Ayos diba!! :)

Wala kaming pasok ngayon dahil may diniklara na naman sa balita,pero di ko na sasabihin kung ano dahilan kung bakit kami walang pasok! Bumaba na ko at nagsalita si tita..

"Hoy Suzzane! Mag-ayos ka nga ng damit mo mukha kang tanga diyan." sinabi niya,oo mukha akong tanga pero para samin hindi.

"Wag na po tita,sige na po bye!" umalis na ko at pumunta sa SM...

Nagjeep kami.....

Nagbayad sa jeep...

Bumaba sa jeep...

Pumunta sa SM

Pagkapasok sa pinto.....

HINDI KAMI PINAPASOK NG GUARD =_________=

"Hala kuya bakit naman?" reklamo ko dun kay kuya..

"Ah eh bawal kayong pumasok dito!" sinabi niya at may pinapasok naman na kasing age namin..

"Teka bakit sila pinapasok mo?" sigaw ni Faye

"ALIS NA..." sabi nung guard at umalis na kami. Medyo nasaktan ako dahil... siguro di kami pinapasok dahil... ang panget ng suot namin...

Faye's P.O.V.

Gagong guard to ah. Pag ito sinipa ko sa ano niya! Naku!! Hayy.. siguro di kami pinapasok dahil sa mga itsura naming 3.. oo 3 .. Hindi kasama si Suzzane,kasi siya ang pinaka-maganda saming apat at mukha pa siyang mayaman,sakasongalang sa pananamit niya.. Hindi na siya mukhang mayaman. Dati kasi mayaman yung pamilya niyan.. Hayy kung hindi lang naghiwalay yung magulang ni Suzzane... BAKA SOBRANG SOBRANG GANDA NIYA at nag-eenglish speaking siya ngayon. Nakakainggit yung mukha at kutis niya! Maputi at maganda. Sakasongalang.... Tambay XD

***********************************************************************************************************

Jarren's P.O.V.

Ako nga pala si Jarren Collins,nag-aaral sa Hendersonville School,private dito at single. Sabi nila gwapo daw ako ... Geh! Tatanggapin ko nalang yun,at hot daw? Isang araw kasi madaming lumapit saking babae para magpapicture at sinabing gwapo daw ako at hot. Ewan ko ba kung bakit ganyan yung ibang babae. Single ako at 16 years old. Medyo boring yung buhay ko kaya tinatry kong magmahal pero sa 17 kong naging girlfriend walang tumagal dahil yung iba niloko ko,yung iba naman naloko ako. Yung iba trip lang namin magbreak,yung iba hindi seryoso. Sa ngayon hindi muna ko naghahanap ng babae o mamahalin dahil takot na ko.

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon